Friday , November 22 2024

Top CPP-NPA leader patay sa ‘ambush’

110121 Hataw Frontpage

ni ROSE NOVENARIO

NAPATAY sa pananambang ng military, hindi sa enkuwentro si Jorge “Ka Oris” Madlos, tagapagsalita ng National Democratic Front (NDF) sa Mindanao at top New People’s Army (NPA) commander, at ang isang babaeng medic sa Impasug-ong Bukidnon nitong Biyernes.

Inisyal na paglilinaw ito ng isang Maria Malaya, spokesperson ng NDF-Northeast Minda­nao sa isang kalatas kagabi.

Ayon kay Malaya, walang katotohanan ang pahayag ni 4th Philippine Army Infantry Division commanding officer B/Gen. Romeo Brawner na napatay sa military encounter si Madlos at kasamang medical aid dahil ang dalawa’y nakasakay sa motorsiklo at hindi armado habang papunta sa isang medical check-up.

Batay umano sa mga ulat, walang naganap na palitan ng putok, walang airstrike sa bulubun­duking bahagi ng Impasug-ong at walang nagbarilan sa provincial highway nang mapatay si Ka Madlos.

“There was no exchange of gunfire because Ka Oris was unarmed when he left the area for his regular medical check-up and treatment,” ani Malaya.

“We challenge Brawner to reveal to the media and the public what really happened, to not be a big liar, for only then can he truly take pride in his achievement of killing Ka Oris,” dagdag niya.

Sa isang press conference kahapon ng umaga sa Camp Osito Bahian sa Malaybalay City, Bukidnon, inianun­siyo ni Brawner na napas­lang si Madlos sa enku­wentro sa mga sundalo mula sa Sitio Gabunan, Barangay Dumalaguing, Impasug-ong.

Natagpuan aniya ng mga sundalo ang mga labi nina Madlos at ng medical aid na kinilalang isang alyas Mavic sa kagubatan ng Sitio Gabunan noong Sabdo ng umaga.

Ayon sa militar, si Madlos, 72, tubong Surigao, isa sa natitirang pinakamataas na pinuno ng kilusang komunista sa bansa ay nahaharap sa mga kasong robbery, homicide, damage to properties, arson, kid­napping, multiple murder at frustrated murder.

Kabilang umano sa mga hinawakang puwes­to ni Madlos ay NDF-MIndanao spokesperson, commander/spokesperson NPA National Operations Command at miyembro ng Communist Party of the Philippines (CPP) Central Committee EXECOM Politburo at may patong na mahigit P7 milyon sa kanyang ulo.

About Rose Novenario

Check Also

DOST 2024 NSTW in Cagayan de Oro City

DOST 2024 NSTW in Cagayan de Oro City

2024 NATIONAL SCIENCE, TECHNOLOGY AND INNOVATION WEEK Siyensya, Teknolohiya at Inobasyon: Kabalikat sa Matatag, Maginhawa, …

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

PINANGUNAHAN ni First Lady Marie Louise “Liza” Araneta Marcos ang distribution ng ayuda sa daan-daang …

Benhur Abalos Jr Senate

Benhur Abalos, top 9 ng Tangere Survey para  sa 2025 senatorial race

KUNG gagawin ngayonang eleksiyon, pasok sa ika-9 na puwesto si Atty. Benjamin “Benhur” Abalos, Jr., …