Friday , April 18 2025
Herbert Bautista, Ping Lacson

Bistek may ‘konek’ kay Ping Lacson

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

MATAGAL na palang kakilala si dating Quezon City mayor at ngayo’y senatorial aspirant, Herbert “Bistek” Bautista ang presidential candidate niya na si Ping Lacson sa May 2022 election.

Sa nakaraang Online Kumustahan sa Rizal na ginawa ni Ping, kasama ang ilan pang senatorial aspirants na sina Paolo Capino at Dr. Minguita Padilla, ikinuwento ni Bistek ang pelikulang ginawa niya noon kasama si Rudy Fernandez—ang Ping Lacson Story.

Sa pelikula, si Rudy ang gumanap bilang Ping, isang top cop at crime buster. Habang si Bistek naman ang sidekick at trusted man ni Rudy na si Michael Ray Aquino.

Sa tunay na buhay, isa ring alagad ng batas si Michael Ray at talagang pinagkakatiwalaan ni Ping sa mga operasyon para sugpuin ang mga kriminal tulad ng mga kidnapper.

“Kaya tingin ko po kapag naging presidente si Ping Lacson, ang kanyang pinagkakatiwalaan na si Michael Ray Aquino, ako pa rin po ang gaganap niyon sa Senado,” ani Bistek.

Bumilib din si Sen. Ping sa husay ng kaalaman ni Bistek sa mga problema ng bayan na kailangang lutasin tulad sa alokasyon ng pondo sa local government units, at maging sa agrikultura—tulad ng COCO levy fund at pagbaha ng imported na mga gulay at bigas.

Para kay Bistek, si Ping ang dapat na maging pangulo dahil ito ang may pinakamalawak na karanasan sa pamamahala sa lahat ng mga kandidato. 

Bukod pa sa “steady,” “relax” at hindi nagpapa-”panic” si Ping kapag humarap sa napakaraming problema ng bansa na kaniyang kakaharapin.

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Ngayong Semana Santa
TRABAHO Partylist, kaisa ng mga manggagawa Giit, karampatang holiday pay at benepisyo

SA GITNA ng paggunita ng sambayanang Filipino sa Semana Santa, ipinahayag ng TRABAHO Partylist ang …

Nora Aunor

Nora Aunor pumanaw na sa edad 71

PUMANAW na ngayong araw ang National Artist for Film and Broadcast Arts, Superstar Nora Aunor. Siya ay 71 …

Nadine Lustre Christophe Bariou

Nadine sinopla ang isang netizen

MATABILni John Fontanilla HINDI napigilang sagutin at patulan ni Nadine Lustre ang isang  netizen na nagkomento sa …

ER Ejercito Comelec

Overspending case ni dating Laguna Gob ER Ejercito ibinasura na ng Comelec En Banc

DINISMIS na sa wakas matapos ang 12 taon ng Commission on Elections (COMELEC) En Banc ang kasong …

MTRCB

Paalala ng MTRCB sa mga PUV Operators: “G” at “PG” na palabas lang sa bawat biyahe

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio Sa pagdagsa ng mga biyahero ngayong Semana Santa, muling nagpaalala ang …