Sunday , November 17 2024

Foreign pandemic supplier
TAX EVADER KAALYADO RIN NI DUTERTE

102921 Hataw Frontpage

ni ROSE NOVENARIO

IBINISTO sa Senate Blue Ribbon Committee hearing na bukod sa Pharmally Pharmaceutical Corporation ay may isa pang foreign pandemic supplier na nakasungkit ng P2.23-bilyong kontrata sa gobyerno ay nakipagkita rin kay Pangulong Rodrigo Duterte noong 2017.

Inihayag ni Sen. Risa Hontiveros, ang chairman ng state-owned company sa China na Xuzhou Construction Machinery Group (XCMG) na si Wang Min ay nakipagpulong kay Duterte sa Malacañang noong 27 Pebrero 2017, batay sa Chinese automobile news website Qiche-China.

“From February 23 to 27, Wang Min, Chairman of XCMG Group, led a XCMG delegation to a successful visit to the Philippines. On the afternoon of the 27th, Philippine President Duterte cordially received Chairman Wang Min,” ayon sa news release.

Hindi aniya nagbayad ng income tax ang naturang kompanya sa Filipinas kahit nabigyan ng bilyones na halaga ng kontrata para sa medical supplies.

“Bakit ba ang mga kompanyang nagresponde sa pandemya sa Filipinas, puro nanlalabag ng batas? Hindi tuloy malayong maisip na kaya ang daming kaso ng CoVid-19 sa atin dahil sa mga kaduda-dudang medical suppliers,” anang senador.

Paulit-ulit umano niyang sinasabi sa hearing na hindi porke’t may emergency ay wala nang susunurin na proseso.

“Hindi rin dapat nabibigyan lang ng kontrata ang mga kompanyang malakas sa Presidente. Dahil close sa opisyal ng gobyerno, sila na ang papaboran? Hindi puwede ‘yun. Contracts should be given based on merit and capacity,” aniya.

Inamin sa nakalipas na Senate hearing ng kinatawan ng  XCMG na si Robin Han, hindi sila nagbayad ng buwis sa bansa kahit ito ang fourth-most favored supplier ng Procurement Service – Department of Budget and Management (PS-DBM).

Hindi rin rehistrado ang XCMG sa Bureau of Customs (BoC) at Securities and Exchange Commission (SEC), ayon kay Sen. Franklin Drilon.

Ibinulgar din ni Drilon, nagbayad lamang ng  napakaliit na buwis ang Pharmally executives noong 2020 kahit nakakuha ng halos P8-bilyon mula sa medical supplies contract sa gobyerno.

Hindi rin nagbayad ng buwis ang dating presidential adviser Michael Yang mula 2014 hanggang 2017.

Habang si dating PS-DBM chief Lloyd Christopher Lao ay hindi nagbayad ng buwis noong 2020.

Pinuna rin ni Drilon na ang Greentrends Trading International, supplier ng Pharmally, na walang income tax return mula 2015 hanggang 2021.

Ayon sa tax expert na si Mon Abrea, ang pagkabigo sa pagbabayad ng buwis, magrehistro sa BIR , hindi paghahain ng income tax returns, under-declaring sales, at pagdedeklara ng expenses ng walang kaukulang dokumento ay puwedeng batayan sa pagsasampa ng kasong tax evasion at iba pang paglabag sa ilalim ng National Internal Revenue Code.

About Rose Novenario

Check Also

Bong Suntay Bday

‘Birthday pasasalamat’ ni Cong. Bong Suntay dinagsa

TINATAYANG aabot sa 8,000 suporters, mga miyembro ng kanyang pamilya at kaibigan, gayundin mula sa …

2 dating kaalyadong politiko ni Mayor Vico Sotto bumaliktad

DESMAYADO na ang dalawang dating mga kaalyadong politiko ni Pasig City Mayor Vico Sotto at …

Bamboo Kawayan

Pamangkin hinamon ng duwelo , Tiyuhin patay sa palo ng kawayan

BINAWIAN ng buhay ang isang 55-anyos na lalaki matapos ilang ulit paluin sa ulo ng …

DOST Teams Up with Wadhwani Foundation to Accelerate Filipino Innovation

DOST Teams Up with Wadhwani Foundation to Accelerate Filipino Innovation

THE Department of Science and Technology (DOST) and the Wadhwani Operating Foundation have signed a …

Artist Lounge Talents MultiMedia Inc

Artist Lounge Talents MultiMedia Inc. inilunsad

MATAGUMPAY ang grand launching ng Artist Lounge Talents MultiMedia Inc., na ginanap last November 10 sa Activity …