Thursday , December 18 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Jake Cuenca, Dimples Romana, Joshua Garcia, Charlie Dizon, Miko Raval, Viral

Joshua sakaling may video scandal — mag-e-explain kung kailangan, ‘pag hindi tahimik na lang

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

DIRETSONG tinanong si Joshua Garcia kung sakaling ma-involve siya sa isang video scandal ay aaminin ba niya ito?

Related ang tanong dahil ang bagong TV series ni Joshua ay may titulong Viral Scandal na mapapanood na sa Nobyembre sa Kapamilya Channel, TV5, A2Z Kapamilya Online Live, iWantTFC at TFC IPTV.

Sandaling nag-isip muna ang aktor, “Well, ako, depende siguro sa sitwasyon, depende sa klase ng video na nag-viral. Kung alam ko na kailangan kong mag-explain, mag-e-explain ako. Pero ‘pag kailangan kong huwag na lang magsalita, ganoon na lang ang gagawin ko. Depende talaga sa sitwasyon.”

Tama rin naman dahil may mga viral video na kusang mamatay ang isyu kung hindi papansinin, depende nga talaga sa sitwasyon.

Natanong ulit ang aktor kung ano ang reaksiyon niya na crush pala siya ni Ivana Alawi na inamin niya kay Ogie Diaz sa vlog na nasa YouTube channel nito at chatmate pala sila sa Instagram.

Parang batang nagtakip ng mukha si Joshua dahil nahiya raw siya.

“Ako, pag may humanga sa akin, nakakadagdag ng confidence ‘yun sa lalaki, ‘di ba? ‘Di ko alam ang reaction ko. Siyempre thank you kasi naa-appreciate ‘yung work ko na ginagawa.

“Base sa nakita ko at narinig ko, na-appreciate niya yata ‘yung acting ko, thankful, sobrang thankful ako. As an actor, maraming salamat. Yeah, I’m open na maging magkaibigan, okay lang sa akin,” nakangiting sagot ng aktor.

Deadma naman siya sa sinabing nagkaka-chat sila sa IG na para siguro sa binata ay personal thing na nila iyon ni Ivana.

Isa pang tanong ay ‘yung na-link siya kay Ria Atayde dahil may mga lumabas na mga larawan sa Instagram na sila lagi ang magkalapit kapag may group picture kasama ang mga kaibigang sina Daniel PadillaKathryn Bernardo, Marco Gumabao, Daniel Miranda, at Sofia Andres na tinawag na Nguya Squad ang grupo.

In general ang sagot ni Joshua, “Sila kasi ‘yung nandoon para sa akin especially noong nag-pandemic. Nakakulong lang ako palagi sa kuwarto, ‘di kasi ako mahilig lumabas.

“Laking tulong niyong ginawa nila na lumalabas kami, ang dami naming activities na ginagawa.

“Sila rin kasi ‘yung nandiyan noong time na noong may problema ako, sila ‘yung nandiyan para sa akin. ‘Di sila nawala, aminado ako na nawala ako.

“Hayun, sobrang pasasalamat lang, sobrang grateful ko na nandiyan lang sila para sa akin. Sobrang suwerte ko na naging kaibigan ko sila.”

Pero hindi si Ria na kasama rin Viral Scandal ang love interest ni Joshua kundi si Charlie Dizon.  Kasama rin sa serye sina Dimples Romana at Jake Cuenca with support nina Aljon Mendoza, Karina Bautista, Louise Abuel, Jameson Blake, Kaila Estrada, Markus Paterson, Vance Larena, Miko Raval, Gian Magdangal, Aya Fernandez,at Maxene Magalona. 

Sina Froy Allan Leonardo at Dado Lumibao ang mga direktor handog ng ABS CBN Entertainment under RCD Narratives.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Angelica Panganiban Four Sisters and a Wedding

Angelica bubog ang Four Sisters and a Wedding

SA wakas binigyang linaw na ni Angelica Panganiban ang pelikulang tinanggihan niya noon na hanggang ngayon ay …

MMFF MMDA

MMDA pumagitna pagdaraos ng advance screening ng 8 entries

PUSH NA’YANni Ambet Nabus TAMA naman ang naging solusyon ng MMDA na mangialam sa pagdaraos ng advance …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Earl Amaba Krystel Go Sylvia Sanchez Sigrid Andrea Bernardo Im Perfect

Sylvia sa I’m Perfect: Hindi namin ‘to ginawa para magpasikat

MATABILni John Fontanilla DREAM come true para sa producer ng Nathan Studios, Sylvia Sanchez na gawin ang pelikulang I’m …