MA at PA
ni Rommel Placente
ITINANGHAL na Best Supporting Actress si Aiko Melendez para sa mahusay niyang pagganap sa Prima Donnas sa GMA sa katatapos na 34th PMPC Star Awards For TV na ginanap noong Linggo.
Super happy si Aiko sa pagkapanalo niya. Siyempre, muli kasing kinilala ng voting members ng Philippine Movie Press Club ang husay niya sa pagganap.
For the record, si Aiko ang itinanghal na Best Drama Supporting Actress sa 31st PMPC Star Awards For TV noong 2017 para sa seryeng Wildflower, na pinagbidahan ni Maja Salvador.
Narito ang acceptance speech ni Aiko. ”There are just too many people who’s generosity is the main reason why I am here tonight for this award. Lord thank you so much for this award. You are just so amazing. You just know when is the perfect time for everything. Lord God, Panginoon, maraming salamat po, Jesus thank you.
“To my kids Andre and Marthena, whose been my inspiration in everything I do, I love you both.
“And to my partner, my number 1 fan, my critic, whose just keeps me grounder all the time, Vice Governor Jay Khongkun, maraming-maraming salamat.
“And of course,I’d like to share this award to mom, Mommy Elsie Castaneda. I hope I’ll make you proud again this time.
“To my siblings, Angelo, Michand Erica, para sa atin lahat ‘to.
“To my Daddy Danny and Papa Jimi, whose up there in Heaven and must be smiling down here sa akin. So, I love you and missing you so much.
“And of course to all my bosses. GMA 7, Kapuso channel, thank you for this opportunity that you’ve given me to work under your channel. Especially Atty. Gozon, Mr. Gilberto Duavit Sr., Ma’am Redgie Magno,Ma’am Lilibeth Resonable, Ms.Regine Alva, Mr. Erwin, Miss Izay, salamat.
“To mother Ogie Diaz whose always been there for me, I share this to you also, dahil hindi ka napapagod na bigyan ako ng mga advice. Maraming salamat sa ‘yo mother Ogie.
“And of course, I’d like to share this award to the staff and crew of ‘Prima Donnas,’ na ang dedikasyon at pagmamahal sa show na ‘to ay kakaiba. Para sa ating lahat ito.
“To my director, Direk Gina Alajar, who became my second mom on the set. Thank you Direk Gina, for believing in me and for pushing me to my limits. Para sa ating dalawa ‘to dahil talagang piniga mo ako Direk Gina. I love you! Direk Aya, thank you so much also.
“And of course to all the creative teams of ‘Prima Donnas,’ headed by Donie Cruz, Ning, our writers, maraming-maraming salamat sa inyo.
“And I’d like to share this award also to my co-actors (sa ‘Prima Donnas’), especially Katrina Halili, who’s just not my co-actor, but who became my sister on the set. Kung hindi rin naman magaling si Lilian eh, hindi magiging magaling si Kendra. Para sa ‘tin ‘to sis.
“Of course, Ms. Chanda Romero, who’s so generous and who’s just so loving, thank you Miss Chanda.
“Wendell (Ramos), James (Blanco) thank you sa inyo. The ‘Prima Donnas’ girls, para sa atin lahat ‘to. Maraming salamat sa inyo.
“PMPC Star Awards, sa lahat ng bumubuo nito, maraming-maraming salamat dahil magandang pabaon ito as I temporary exit showbusiness and may tatahakin akong isang linyada sa aking buhay, which is public service.
“Habambuhay ko ‘tong gagawing inspirasyon, na pagbutihin ang lahat ng gagawin ko.
“Kaya maraming salamat po sa lahat ng bumoto sa akin sa PMPC. To all the loyal fans, thank you so much for believing in me, na ipinaglalaban ako kahit saan ako mapunta, salamat sa inyo.
“And this award is not for me alone, dahil bago ako naging aktor, isa akong Pinoy.
“And to all the Pinoys out there, especially sa mga taga-District 5 ng Quezon City, para sa ating lahat ‘to, because Quezon City is truly the city of stars.
“Mabuhay po kayong lahat. Stay safe. And thank you Mama Steff for making me look good tonight. Thank you so much God bless you all!