Tuesday , December 16 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Jeric Raval, Barumbadings

Jeric nahirapan sa fight scenes habang naka-takong

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

POSITIBO si Direk Darryl Yap na tatanggapin nina Baron GeislerMark Anthony Fernandez, at Jeric Raval noong ialok niya ang pelikulang Barumbadings na gaganap sila bilang mga bading.

May plan B naman ang direktor dahil kung sakaling tumanggi si Jeric ay idadaan niya ito sa kaibigan at naging artista niyang si AJ Raval sa Paglaki Ko Gusto Kong Maging Pornstar na magkakaroon pa ng part 2; gayundin si Mark Anthony na close rin ni direk Darryl ang nanay na si Alma Moreno, si Baron naman ay isa sa bida niya sa pelikulang Tililing, at si Joel Torre naman ay siya na mismo ang nagsabing gusto niyang makatrabaho ang sumisikat na direktor ngayon ng Viva Films.

Dahil lalaking-lalaki at action star pa si Jeric, hindi siya nailang lalo’t unang beses niya itong gagawin sa harap ng kamera kaya natanong ito kung paano niya napaghandaan.

“Being an action star, medyo nahirapan po tayo ng kaunting mag-adjust kasi siyempre I made 48 movies na lahat po ‘yun, eh, pinagbidahan natin action.

“So pinaghandaan ko rito ‘yung galawan, paano kumilos ng malambot, paglalakad na naka-stiletto, lahat po kami nahirapan.

“At bago ko tanggapin ‘yan, siyempre being an actor hindi naman tayo puwedeng mamili so sabi ko first time kong gagawin ito sa rami ng nagawa ko kahit supporting role at ngayon lang ako nabigyan ng ganitong role kaya tinanggap ko para maiba naman at hindi naman ako nagkamali sa magandang opportunity at nagpapasalamat po ako kay direk Darryl dahil napili niya ako bilang isa sa Barumbandings,” kuwento ng tigasing action star.

Mukhang nabitin si Jeric sa pelikula dahil, “I’m looking forward to this movie, paanorin n’yo po ang ‘Barumbadings’ sana magkaroon ito ng part 2.”

Sinabi pa ni Jeric na nahirapan siya sa fight scenes nila sa Barumbading dahil naka-takong siya.

 “Napakahirap talagang mag-fight scene nang naka-stiletto at ‘yung takbuhan namin na naka-stiletto shoes,” pagtatapat nito.

Bago siya humarap sa camera ay talagang mega-practice siya sa loob ng hotel room niya sa paglalakad ng naka-stiletto na nakaharap sa salamin.

“Kapag nasa hotel room ako, ang ginagawa ko, nagpa-practice akong maglakad mag-isa para lang makapaglakad ako nang maganda. Una,  naaalibadbaran ako dahil ang suot ko bra tapos leggings. Tapos naisip ko na, ‘Irespeto pa kaya ako ng fans ko kapag nakita nila ako?’

Mapapanood na ang Barumbadings sa Vivamax sa November 5 produced ng Viva Films.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

MMFF 2025 Movies

MTRCB ratings ng 8 pelikula sa MMFF inilabas

NATAPOS na ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB), sa pangunguna ni Chairperson at CEO Lala …

Im Perfect Sylvia Sanchez Sigrid Andrea Bernardo

Sylvia ‘di nagdalawang isip sugod agad sa I’m Perfect; Joey Marquez umiyak sa unang araw ng shoot

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez AMINADO si direk Sigrid Andrea Bernardo, direktor at sumulat ng I’m Perfect, isa sa walong …

Piolo Pascual Manilas Finest

Manila’s Finest minarkahan ikatlong sunod na MMFF project ni Piolo 

HARD TALKni Pilar Mateo NINEETEEN sixty nine. Ten years old ako. Elementary.  Aware naman na …

MMFF MMDA

MMDA pinamunuan premiere night ng 8 kalahok sa MMFF 2025  

I-FLEXni Jun Nardo BINAGO ng Metropolitan Development Authority (MMDA) ang patakarang ngayon sa mga premiere night ng …

Derek Ramsay The Kingdom

The Kingdom gagawing TV series, Derek Ramsay magbibida

I-FLEXni Jun Nardo GAGAWING TV series ang pelikulang The Kingdom na pinagbidahan nina Vic Sotto at Piolo Pascualna ipinalabas last …