Friday , November 22 2024
Noli De Castro

Kabayan umatras na sa pagka-Senador, balik-TV Patrol kaya?

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

BABALIK ba si Kabayang Noli De Castro bilang lead anchor ng news program ng ABS-CBN na TV Patrol?

Ito ang naisip namin nang mabasa ang kanyang official statement na ipinost ng anak niyang si Kat de Castro, PTV General Manager sa kanyang Facebook page.

Wala pang isang linggo nang magpaalam si Kabayan sa TV Patrol noong Huwebes, Oktubre 7 at kinabukasan naman ay nag-submit siya ng kanyang Certificate of Candidacy mula sa partidong Aksyon Demokratiko bilang isa sa senatoriables ni Manila Mayor Isko Moreno na kumakandidato naman bilang Pangulo ng bansa.

Ayon sa statement ni Kabayan Noli, ”Nitong mga nakaraang araw, taimtim kong pinag-isipan ang desisyong pagbalik bilang isang mambabatas. At kamakailan, naghanda ako sa posibilidad na pagtakbo sa pagka-senador sa darating na halalan.

“Ang nag-udyok sa akin ay ang hangaring muling bigyan ng boses sa Senado ang ating mga kababayan, lalong-lalo na ang mga ordinaryong Pilipino, na ang tanging hangarin ay mabuhay ng maayos, payapa, at may dignidad sa gitna ng pandemya.

“I-sinumite ko ang aking kandidatura sa COMELEC noong Biyernes. Ngunit, nagkaroon ng pagbabago ang aking plano.

“Nais kong iparating sa lahat ng aking mga kaibigan at supporters na naghahanda na sanang tumulong sa akin, na nagpasiya akong hindi na ituloy ang aking kandidatura.

“Gayunpaman, HINDI PO NAGBAGO ANG AKING LAYUNIN AT HANGAD PARA SA BAYAN.

“Kasabay ng pagdarasal sa Poong Nazareno, napag-isip-isip kong mas makatutulong ako sa pagbibigay ng boses sa ating mga kababayan sa pamamagitan ng pamamahayag.

“Binibigyang diin ko po, hindi nagbabago at magbabago ang ating layunin at hangad para sa bayan.

“Patuloy tayong magiging boses ng ating mga kababayan, lalo na sa panahong katulad nito na ang boses na iyon ay nalulunod sa ingay ng pulitika at paggamit ng kapangyarihan para sa sariling interes ng iilan.

“Nais ko pong magpasalamat kay Mayor Isko Moreno at sa mga bumubuo ng Aksyon Demokratiko sa ibinigay na tiwala at tulong sa akin sa unang araw pa lamang na maging miyembro ako ng Partido.

“Maraming salamat po.

“At sa lahat ng nagtitiwala sa aking mga kabayan, maraming maraming salamat! Hawak ko sa aking puso ang ipinapakita ninyong pagmamahal, suporta, at tiwala.

“Ituloy po natin ang pagtutulungan para sa mas malakas na boses ng bayan. Salamat po mga kabayan!”

Samantala, kaliwa’t kanan naman ang nagtatanong kay Kat tungkol sa health status ng ama dahil sa biglaan nitong pagbabago ng desisyon at ipinost niya ulit sa kanyang FB page ang sagot nito pagkalipas ng isang oras matapos niyang ilabas ang statement ng ama.

Aniya, ”Ang dami naman pong nagpapadala ng messages sa akin. Para isahan na lang:

“My Dad is okay health wise. No need to worry about anything.

“He has personal reasons for withdrawing his candidacy.

“He’s now spending time with family, most especially with his grandchildren.

“What’s his next move? Wala pa. Pahinga muna siya.

“Have a nice day everyone!”

May tinanungan naman kami sa Kapamilya Network kung posible bang bumalik si Kabayan sa TV Patrol, ”Parang teleserye ‘no? Abangan ang susunod na kabanata (emoji smiley).”

About Reggee Bonoan

Check Also

DOST 2024 NSTW in Cagayan de Oro City

DOST 2024 NSTW in Cagayan de Oro City

2024 NATIONAL SCIENCE, TECHNOLOGY AND INNOVATION WEEK Siyensya, Teknolohiya at Inobasyon: Kabalikat sa Matatag, Maginhawa, …

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

John Arcenas IDOL The April Boy Regino Story

John humanga sa sobrang makapamilya ni April Boy

RATED Rni Rommel Gonzales UNANG lead role ni John Arcenas ang pagganap bilang yumaong music legend na …

Malou de Guzman Silay Francine Diaz

Malou de Guzman sa pagbibida: sinong aayaw doon

RATED Rni Rommel Gonzales SA tagal niya sa industriya, halos apat na dekada, sa wakas …

Kang Mak

Kang Mak a feel good horror-comedy

HARD TALKni Pilar Mateo NGAYON lang ako in a long time, natawa ng tawang-tawa. At …