Saturday , January 10 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Jake Cuenca

Jake iginiit ‘di nakainom, pulisya walang mailabas na medical report

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

KASALUKUYANG naka-quarantine ngayon si Jake Cuenca bilang paghahanda sa nalalapit niyang lock-in taping ng teleseryeng Viral kasama sina Dimples Romana, Charlie Dizon, at Joshua Garcia mula sa RCD Narratives nitong Oktubre.

Sa pagkakaalam namin, 10 days quarantine ang kailangan bago pumasok sa lock-in taping eh paano ‘yun, na-expose si Jake nitong Sabado ng gabi dahil sa nangyaring insidente with the Mandaluyong police dahil nagkaroon ng anti-Marijuana operation.

“Kaya nga mauurong ang pagpasok niya sa lock-in taping dahil nga sa nangyari, pero idadaan naman siya sa PCR test,” kuwento ng kampo ni Jake.

Ikinuwento pa ng kampo ng aktor, “hangga’t maaari ayaw niyang makipag-usap kasi ang daming nagtatanong, may trauma. Tapos dumagdag pa ‘yung mga nababasa niya sa social media, sobrang bina-bash siya, sabi ko nga ‘wag na muna magbasa kasi mai-stress lang talaga siya.”

Oo nga, daming nagsabing binigyan si Jake ng VIP treatment sa Mandaluyong Police Station dahil artista at sinabi pang nagkaroon ng areglo.

Tinanong naman namin ang tungkol sa tweet ni Paulo Avelino na ayon sa kanya ay hindi pa pala nakarating si Jake sa bahay ng kaibigang aktor. 

Base kasi sa source namin na malapit kay Jake na isinulat namin dito sa Hataw ay galing siya kay Paulo at pauwi na noong nagkaroon ng habulan.

Say ng kampo ni Jake, “oo nga, nalito na kasi, si Jake kasi lito noong kausap, takot na takot kasi binabaril siya, pasigaw na siya nagkukuwento hindi niya alam bakit siya binabaril. Hindi siya nakainom kaya nga walang mailabas na medical report kung nakainom or something kasi wala talaga. 

“Kasi under quarantine nga si Jake so hindi siya puwedeng uminom o anuman, nataon lang na gusto niyang damayan si Paulo kasi nga kagagaling lang sa sakit. Hayan ang nangyari kaya alam mo ‘yung takot niya bakit siya umabot sa ganoong sitwasyon? May work siya, need niyang mag-quarantine tapos ganyan nga.”

Bukod pala sa Viral TV series ay may dalawang pelikula pang naghihintay kay Jake, isa mula sa OctoArts at isang international film na nandito na sa Manila ang ilang miyembro ng productions.

“Kaya nga ‘di ba, isipin mo ang daming work tapos nagkaganyan pa. Kaya ayaw ako kausapin muna ni Jake now,” sambit ng kampo ng aktor.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Sogo Employee Returns Lost Cash P400,000

Hotel Sogo Employee Selflessly Returns Lost Cash Worth More Than P400,000

  QUEZON CITY, Philippines – A Hotel Sogo Santolan employee, Mr. Raymond Tobasco, discovered a …

PDEA

Batakan tinibag ng PDEA; Operator, 3 runner tiklo sa Porac, Pampanga

BINUWAG ng mga ahente ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), Pampanga Provincial Office ang isang …

Arrest Posas Handcuff

Most wanted criminal ng CamSur nabitag sa Bulacan

NAHULOG sa kamay ng batas ang isang indibidwal na nakatala bilang most wanted person sa …

Olongapo PNP Police

12 timbog sa Oplan Roulette sa ‘Gapo

ARESTADO ang 12 indibidwal nang ipatupad ng Olongapo CPS, katuwang ang Criminal Investigation and Detection …

Lala Sotto MTRCB

Sa pamumuno ni Chair Lala Sotto, MTRCB nakapagribyu ng 172,000 na materyal noong 2025; isinumiteng mga pelikula umangat sa 13.34%

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAKAPAG-REVIEW ang Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB), …