Monday , December 23 2024
Raffy Tulfo

Divorce at Same Sex Union isusulong ni Idol Raffy kapag nahalal na senador

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

PABOR pala si Idol Raffy Tulfo sa Divorce at Same Sex Union. Isa ito sa gusto niyang magkaroon ng batas sa Pilipinas kapag nahalal siyang senador dahil maraming humihingi ng tulong sa kanya tungkol dito lalo na ang mga Overseas Filipino Workers o OFWs.

Ito ang isa sa mga natalakay nang makausap ng ilang miyembro ng entertainment media si Idol Raffy nitong Sabado ng gabi sa isang restaurant sa Quezon City.

Sa esplika ni Raffy, “Magpo-focus din ako sa family dahil malaking porsiyento ng lumalapit sa akin ay patungkol sa family issues.

“Kasi, marami nang hindi ko na mabilang ang lumapit, na halimbawa, si misis, lalapit siya sa akin dahil si mister, kinukulit siya, ayaw na niya. O kaya si mister, lasenggero. O si mister, bugbugero. Pero ayaw niyang magsampa ng kaso.

“Tapos kakausapin ko silang mag-asawa para magbalikan. At marami na akong nagawa na nagkabalikan ‘yung mag-asawa, and then after a few days, naghihiwalay uli, okay.

“At mayroon ding mga kaso na ‘yung mag-asawa na matagal nang magkahiwalay we’re talking about years. And then isa sa kanila, nakahanap ng butas na, ‘Aha! Ikaw ay nambababae. Idedemanda kita dahil kasal pa rin tayo, hindi pa rin tayo annuled.’ Samantalang matagal na silang hiwalay.”

Ipinagdiinan pa na mahirap magpa-annul dahil kailangan mo itong patunayan unlike ‘pag divorce, madali lang.

‘Pag annulment, “dapat i-prove mo na may psychological problem ‘yung partner mo. At kailangan mo ng Psychiatrist, and it’s hard to prove.

“Samantalang sa divorce, irreconcilable difference lang ay puwede mong gawing rason.

“Kaya I’m for divorce. Huwag sanang magalit ‘yung mga kaibigan kong pari, obispo, at ‘yung nanay ko na isang die-hard Catholic, ahh, devout Catholic. Ito po ay ginagawa ko para sa ikabubuti ng taumbayan, lalo ng mga tao na palaging lumalapit sa akin.”

At tungkol naman sa same sex union at hindi same sex – marriage

“Same-sex union! Kasi, ‘pag sinabi mong marriage, sacrament iyan, eh. So, same-sex union. Para ‘yung same-sex couple, magkaroon ng kaparehong rights tulad ng heterosexual couple.

“Mayroon na akong kaso na same-sex couple, years na silang magkasama then namatay ‘yung isa.

“Noong namatay ‘yung isa, ang ginawa ng kamag-anak niyong namatay, aba’y kinuha! Kinuha ‘yung properties! Pera, alahas, ‘yung lahat na, ng kanyang kamag-anak. Aba! Paano naman itong naiwan? Matagal na nagsilbi.

“Naghirap, nagsilbi. Lahat na, ginawa niya dahil sa kanyang pagmamahal sa kanyang partner. Nabalewala nang namatay ang kanyang partner dahil kinuha nga ng mga sakim na kamag-anak, lahat ng pera, ari-arian niyong yumao.

“Pero kapag mayroon nang same-sex union, aba! Protektado na sila. Equal rights para sa kanila,” paliwanag mabuti ni Idol Raffy.

Isa lamang ito sa mga gustong magkaroon ng batas ng kilalang brodkaster bukod sa Wage Theft para naman sa mga manggagawang hindi naibibigay ng tama ang mga benefit at suweldo nila na paulit-ulit na dumudulog sa kanya para magpatulong.

About Reggee Bonoan

Check Also

Korina Sanchez-Roxas Rachel Alejandro 

Alamin major heartbreak ni Rachel Alejandro

PANALO na naman ang latest episode ng Korina Interviews this Sunday, December 22, 6:00 p.m., on NET25. Sa …

Zamboanga del Norte

Supplemental budget nakabinbin
OPS NG PROV’L AT DISTRICT HOSPITALS, IBANG PAGAWAING BAYAN SA ZAMBO DEL NORTE POSIBLENG MATIGIL — GOV. NENE

ITO ang malalim na laman ng pahayag ni Governor Jalosjos sa media makaraang sumulat sa …

SMC Toll Fee

Bilang pasasalamat sa mga motorista
BAYARIN SA EXPRESSWAY KAKANSELAHIN NG SMC SA BISPERAS NG PASKO AT BAGONG TAON

NAKATAKDANG kanselahin ng Conglomerate San Miguel Corporation (SMC) ang mga bayarin para sa expressway network …

SM Krus na Ligas 1

Promoting wellness and enhancing healthcare delivery
SM Foundation upgrades vital Quezon City community health center

Refurbished by SM Foundation, Krus Na Ligas Health Center caters to over 73,000 residents of …

Manila Honey Lacuna Yul Servo Nieto

Mayor Honey, VM Yul, Asenso Manileño Team namahagi ng Christmas gift boxes para sa Senior Citizens ng Maynila

NAMAHAGI ng Christmas gift boxes sina Mayor Honey Lacuna – Pangan, Vice Mayor Yul Servo …