Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Vivamax
Vivamax

Vivamax may 1M subscribers na; aabutin ang 71 global territories

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

SA loob lamang ng siyam na buwan, umabot na sa 1 million subscribers ang Vivamax kaya naman ito na ang fastest-growing streaming platform sa Pilipinas.

Nagsimula ang streaming service ng Vivamax sa Pilipinas at ‘di nagtagal ay umabot na sa Middle East at Europe na agad nasundan ng Hong Kong, Japan, Singapore. at Malaysia. At simula nitong October, available na rin ang Vivamax sa Indonesia, Thailand, South Korea, Taiwan, Brunei, Macau, Vietnam, Maldives, Australia, at New Zealand.

Sa December, mas lalawak pa ang maaabot ng Vivamax dahil magiging available na rin ito sa USA, Northern Marianas Island-Saipan, Guam, Hawaii, at Canada. Kaya naman aabot na sa 71 global territories ang Vivamax simula nang ito’y mag-live.

Ang pambihirang paglaki na ito ay bunga ng pagpupursige ng Viva na buuin ang content lineup ng Vivamax sa gitna ng mga pagsubok na kailangang harapin dahil sa pandemya. Sa mga bagong original movies na nagpe-premiere lingo-linggo, kasama ang pinaka-malaking library ng local at Korean movies, at dagdagan pa ng ‘di mapapantayang line-up ng Hollywood blockbusters, nagtagumpay ang Vivamax sa paghahatid ng cinema experience sa lahat ng tao sa kanilang mga smartphone at sa pamamagitan ng TV casting.

Patunay sa dedikasyon ng Vivamax ay ang kahanga-hangang line-up ng mga bagong pelikula na ilalabas sa 4thquarter ng 2021. Tampok ang mga pinakamalaki at pinakasikat na mga artista, at mga iba’t ibang movie genres na pasok sa panlasa ng bawat Pinoy.

Talagang naging totoo ang Vivamax  sa kanilang pangako na: Atin‘To!

Narito ang mga bagong pelikulang palabas na o ipalalabas sa 4th quarter ng 2021: Ang Manananggal Na Nahahati Ang Puso nina Aubrey Caraan, Marco Gallo, Chad Kinis, Lassy Marquez, MC Muah, Gina Pareño, at Teresa Loyzaga na idinirehe ni Darryl Yap at napapanood sa kasalukuyan; Shoot! Shoot! Di Ko Siya Titigilan nina Andrew E., AJ Raval, Sunshine Guimary, Juliana Parizcova Segovia, Wilbert Ross, Ali Khatibi na idinirehe ni Al Tantay nastreaming na rin simula noongOctober 8.

Kasama rin ang Ang Pamilyang Hindi Lumuluha nina Sharon Cuneta, Niño Muhlach, at Moi  Marcampo na idinirehe ni Mes de Guzman at mapapanood na simula October 15; Sarap Mong Patayin nina Lassy Marquez, Kit Thompson, Ariella Arida na idinirehe ni Darryl Yap at mapapanood na simula October 15; House Tour ninaCindy Miranda, Diego Loyzaga, Sunshine Guimary, Mark Anthony Fernandez, Marco Gomez, Rafa Siguion-Reyna na idinirehe ni Roman Perez, Jr. at palabas na sa October 22Sa Haba Ng Gabi nina Kim Molina, Candy Pangilinan, Jerald Napoles,mula sa direksiyon ni Miko Livelo na palabas na saOctober 29; at HRNA, A Digital Concert nina Adie, Arthur Nery, Rob Deniel, Unique ni Paul Basinillo sa October 29.

Kasama rin sa mga aabangan ang Barumbadings, Mahjong Knights, More Than Blue, Beksinated, My Husband, My Love, Pornstar 2, Dulo, Crush Kong Curly, Sanggano, Sanggago’t Sanggwapo at Sang Gay, Eva, Exorcis, at Mang Jose.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Lala Sotto MTRCB

Sa pamumuno ni Chair Lala Sotto, MTRCB nakapagribyu ng 172,000 na materyal noong 2025; isinumiteng mga pelikula umangat sa 13.34%

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAKAPAG-REVIEW ang Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB), …

Joseph Marco Rhen Escaño My Husband is a Mafia Boss

Joseph Marco at Rhen Escaño bibida sa My Husband is a Mafia Boss

HINDI nauubos ang mga kapana-panabik na handog ng Viva One para sa mga loyal viewer at Wattpadseries enjoyers. …

SSR Shake Rattle and Roll Evil Origins

Shake, Rattle &Roll: Evil Origins tumabo ng mahigit P110-M sa takilya, palabas pa sa mahigit 100 sinehan

NA-BREAK na ng Shake, Rattle & Roll: Evil Origins ang P100-M mark sa isinasagawang Metro Manila Film Festival …

CoJ Cup of Joe Stardust

Cup of Joe’s Stardust int’l leg kasado na

I-FLEXni Jun Nardo KASADO na ang Stardust international tour ng multi-awarded record breaking band na Cup of Joe. …

Beauty Gonzalez

Beauty certified yoga instructor na

I-FLEXni Jun Nardo MATAPANG, bumiyahe mag-isa si Beauty Gonzales, huh! Ginawa niya ‘yan nang pumunta siya …