Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Claudine Barretto, Gretchen Barretto

Si Claudine at ‘di si Greta ang tatakbo sa Halalan 2022

COOL JOE!
ni Joe Barrameda

MARAMI ang humanga kay Gretchen Barretto sa magandang ginawa niyang pamimigay ng ayuda sa iba’t ibang personalidad sa loob at labas ng showbiz. Kahit na mga hindi niya kilala personally ay nakatanggap ng ayuda na ikinagulat ng iba.

Marami tuloy ang nag-isip na papasukin niya ang politika pero nagka mali sila dahil hanggang sa huling araw ng filing ng COC o Certificate of Candidacy ay walang Gretchen na nakita sa mga opisina ng Comelec.

Ang kapatid na si Claudine Barretto ang nakita sa Olongapo Comelec Office na nag-file ng kanyang COC para tumakbong Konsehal sa nasabing siyudad sa ilalim ng partido ng kanyang talent manager na si Arnold Vegafria na tatakbong Mayor.

Kahit bukal sa loob ni Gretchen ang pagkakawanggawa, may bumabatikos pa rin sa kanya na kesyo hindi naman sa kanyang bulsa nanggaling ang ipinambili sa mga ayuda kundi kay Atong Ang na ka-tandem niya sa mga sabungan. Mariin itong idinenay ni La Greta.

Gayun man, regardless kung totoo man o hindi, doon tayo sa magandang ginawa ni Gretchen na kusang nag-share ng blessings. ‘Yun ang ikinahanga ng marami na namigay siya na hindi naman niya kailangan gawin ng walang kapalit. ‘Yung mga bumabatikos ay inggit ang nananalaytay sa katawan.

Sana sa mga ganitong pagkakataon ay iwasan natin ang inggit at maging positive lahat.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Joe Barrameda

Check Also

Love Kryzl

Single na “Kayong Dalawa Lang” ni Love Kryzl, swak para sa kasal nina Kiray at Stephan 

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ISANG orihinal na love song ng talented na batang si …

Jojo Mendrez Mark Herras

Mark Herras, bumulaga sa music video ng “Ngayong Pasko’y Ikaw Pa Rin” ni Jojo Mendrez?

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio LABAS na ang music video ng Christmas song ni Jojo …

Kip Oebanda Bar Boys 2

Direk Kip ng Bar Boys ayaw sa political dynasty

RATED Rni Rommel Gonzales TUTOL ang Bar Boys: After School director na si Kip Oebanda sa nagaganap na political …

Rabin Angeles Angela Muji Jadine

RabGel bagong JaDine ng Viva

I-FLEXni Jun Nardo HAYOP ang unang character sa pelikula ng Viva artist na si Rabin Angeles. Sila ng …

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …