SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio
CLICK ang chemistry nina Kim Molina, Jerald Napoles, at Candy Pangilinan kaya naman nasundan pa ang unang pinagsamahang pelikula nilang tatlona Ang Babaeng Walang Pakiramdam. Ngayon muli silang mapapanood sa bagong handog ng Viva Films, ang Sa Haba ng Gabi, isang horror-comedy film na mapapanood sa October 29 sa VivaMax na idinirehe ni Miko Livelo.
Mula sa Ang Babaeng Walang Pakiramdam nagkaroon ng limpak-limpak na supporters ang tatlo na nakita agad sa trailer nito.
Ayon kay Jerald, ”Sa mismong trailer kasi ng ‘Babaeng Walang Pakiramdam’ may following na kung ano ang gagawin naming tatlong magkakasama at riot kasi automatic.”
Sinabi pa ni Jerald na hindi mahirap ang magkatrabaho sila bukod sa magkarelasyon sila ni Kim, kaibigan din nila si Candy. ”Regarding sa working naming tatlo, matagal na kasi kaming magkakaibigan at saka theater actors po kasi kami kaya ‘yung eksena sa ‘Babaeng Walang Pakiramdam’ na viral improvisation kasi alam na po namin kung ano ang kayang ibigay ng bawa’t isa.”
Kaya kahit ang kanilang director ay tiwalang ipinaubaya ang ilang bagay na gagawin nila sa ilang eksena.
“Noong ibigay ang project na ito at sinabing kaming tatlo ang magkakasama automatic ready kami at lalo na si direk Miko sabi niya, ‘o sige mag-input (na) kayo.’ May ganoon na kaagad. Siguro maraming eksena rito na nag-improve kami,” sambit pa ni Jerald.
“Natutulog na nga lang ako sa set hinayaan ko na sila. Gigising na ako, ‘o tapos na, na-shoot na natin?’” pabirong sambit naman ni direk Miko.
Sinabi naman ni Candy na, ”I think nakatulong ‘yung ‘Babaeng Walang Pakiramdam’ kasi we are really friends tapos the input pa from the director, talagang baliw si direk Miko. Kung may chance o sobrang tent kami noon, gusto namin siyang pa-check up.”
At dahil sa sobrang kompiyansa ng kanilang director, nakapagbiro pa si Candy ng, ”bakit ganito ang direktor natin, nakakatakot?
“But it was really a fun. Fun to us masaya lang talaga. Tapos ang weird lang ng oras namin kasi ang health protocols is only 12 hours, so, we start shooting at 5:00 p.m. hanggang 5:00 ng madaling araw. Gabi lang kami nagsu-shoot. Baligtad ‘yung oras namin kaya pagdating ng gabi gising na gising na kami, masaya kasi magkakaibigan,” pahayag pa ni Candy.
At kung sa mga nagdaang pelikula ng KimJe (Ang Babaeng Walang Pakiramdam, Jowable, Ikaw At Ako Ang Ending) na sila ang magkapareha, sa Sa Haba ng Gabi sina Candy at Jerald ang may love affair.
“Kami po ni Jerald ang may love affair dito, hindi po sila ni Kim,” ani Candy sabay sabi pa na, ”Pumayag po si Kim kasi ako po ito.”
“Sabi ni direk Miko, ‘Kim paghiwalayin ko kayo ha para sa movie lang. Si Ate (Candy) mo naman, ha, haha. Sorry ate (sumingit),” ani Kim.
“Si Jerald ‘yung ka-love affair ko, siya ‘yung long time boyfriend ko na sobra ‘yung pagmamahal at pagnanasa ko sa kanya,” kuwento naman ni Candy.
Tatalakayin sa Sa Haba ng Gabi ang katapusan ng mundo sa pamamagitan ng Zombie Apocalypse. Ipinrodyus ito ng Master ng Horror na si Erik Matti atidinirehe ni Livelo. Si Livelo ay nagsimula bilang isang motion graphics artist, at ginawa niya ang unang pelikulang Blue Bustamante noong 2013. Nakakuha siya ng international recognition nang mag-premiere ito sa Osaka Asian Film Festival noong 2014. Noong 2019, ginawa niya ang friendship-comedy film na ’Tol at ang fantasy-comedy adventure film na Unlilife.
Tiyak na mahahawa kayo sa katatawa sa panonood ng Sa Haba Ng Gabi mula sa Viva Films at Reality Entertainment, streaming online sa October 29 sa VIVAMAX Philippines, Hong Kong, Taiwan, Thailand, Malaysia, Indonesia, Singapore, Japan, South Korea, Macao, Vietnam, Brunei, Maldives, Australia, New Zealand, the Middle East at Europe.