Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Rayver Cruz, Christopher de Leon

Rayver sobrang kinabahan kay Boyet — Feeling ko magkakamali ako, ang bilis ng tibok ng puso ko

Rated R
ni Rommel Gonzales

KASAMA rin bukod kina Dennis Trillo at John Arcilla sa pelikulang On The Job 2: The Missing 8 si Rayver Cruz at ang mag-amang Christopher de Leon at Lotlot de Leon.

Una naming itinanong kay Rayver kung kumusta katrabaho si Boyet na kinikilalang Drama King ng Philippine Showbiz.

May mga eksena na magkasama sina Rayver at Christopher sa pelikula at unang beses na nakasama rito ni Rayver ang lolo ng girlfriend niyang si Janine Gutierrez.

“Pero more than that, mas kinabahan ako kasi siyempre kay Sir Christopher de Leon. If I remember may batuhan kami ng lines, medyo sakto ‘yung haba ng eksena, pero medyo marami talaga akong sinasabi, tapos hindi pa nag-i-start ‘yung take kinakabahan na ako.

“Feeling ko magkakamali ako. Tapos sobrang bait ni Sir Christopher, as in parang tropa lang pero hindi ko ipinapahalata na sobrang bilis na ng tibok ng puso ko kasi kabado ako.

“Kasi siyempre, iyan yung mga ano natin eh, talagang kumbaga, ‘yung mga pioneer natin kaya nakakakaba,” at tumawa si Rayver.

“Pero iyon, okay naman, sobrang good experience, sobrang solid na experience to be along side him, ‘yung makaeksena mo man lang ‘yung iniidolo mo, ‘di ba? The best, the best ‘yun!”

Kahit kinabahan si Rayver ay naitawid naman niya ang mga eksena nila ng Drama King.

“Naitawid naman. Ano na lang pakapalan na lang ng mukha,” at muling tumawa si Rayver. 

Sayang nga lamang at walang eksena sina Rayer at Lotlot na ina ni Janine.

Regular na napapanood si Rayver sa Nagbabagang Luha ng GMA na idinidirehe nina Ricky Davao at Phillip Lazaro na tampok din sina  Mike Tan, Claire Castro, at Glaiza de Castro.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Love Kryzl

Single na “Kayong Dalawa Lang” ni Love Kryzl, swak para sa kasal nina Kiray at Stephan 

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ISANG orihinal na love song ng talented na batang si …

Jojo Mendrez Mark Herras

Mark Herras, bumulaga sa music video ng “Ngayong Pasko’y Ikaw Pa Rin” ni Jojo Mendrez?

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio LABAS na ang music video ng Christmas song ni Jojo …

Kip Oebanda Bar Boys 2

Direk Kip ng Bar Boys ayaw sa political dynasty

RATED Rni Rommel Gonzales TUTOL ang Bar Boys: After School director na si Kip Oebanda sa nagaganap na political …

Rabin Angeles Angela Muji Jadine

RabGel bagong JaDine ng Viva

I-FLEXni Jun Nardo HAYOP ang unang character sa pelikula ng Viva artist na si Rabin Angeles. Sila ng …

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …