Wednesday , May 29 2024
Abby Viduya, Priscilla Almeda

Priscilla sa balik pagpapasexy — If my body will allow it

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

SIMPLENG bakasyon at kung may offer tatanggapin pero hindi full time. Ito ang nasabi ni Priscilla Almeda sa isinagawang virtual media conference kahapon ng hapon kasabay ng anunsiyo ng pagpirma ng kontrata sa Viva Artist Agency atpagiging aktibo na naman sa showbiz.

Pagtatapat ni Priscilla, na-miss niya ang acting at ang ginagawa niya noong aktibo pa siya sa pag-arte kaya naman finally ay nagdesisyon sila ng kanyang manager na si Tito Nestor Cuartero, dating editor ng Tempo na mag-full blast o maging aktibo na muli sa showbiz.

“Na-miss ko eh. I miss acting, I miss the way I used to do. And there are things na hindi ko pa nagagawa. So ‘yun ang gusto kong ma-try, doing other roles na hindi ko pa nagawa before,” aniya nang matanong naming kung ano ang ikinonsidera niya para tuluyang balikan ang career sa Pilipinas.

Labing-anim na taon ding nawala sa Pilipinas si Priscilla nang mag-migrate ito sa Canada nang magkapamilya.

At nang magbalik ng Pilipinas, agad namng nakatanggap ng offer mula GMA, ang Lolong.

“Before akong umalis ako noon, never kong naisip na babalik ako into acting. Kaya 16 years akong nawala. Wala talaga sa isip ko noon, although once in a while nag-uusap kami ni Tito Nes na to come for a vacation and try and work a little.

“But before I was so big, like super big. Siguro almost 200 lbs ako. Natuto kasi akong magluto sa Canada and I don’t think na kaya kong pumayat kaya na rule out ko na coming back for acting. Then after a while before I decided to come home I work out I got my personal trainer and lost so much weight. And in a span of 5-6 mos I lose 60-70 lbs.”

At ngayong nasa Viva na siya, ”I’m gonna start working again. I’m already going for my sessions at Ortiz Skin Clinic. Nabawasan na uli because of this, Lipo Cavitation. Kaaliw. It’s a machine na, it goes all over your body, sina-saction ang fat and then it breaks down. Then may ‘yungisang machine na parang nagwo-work out ka rin, it contracts your muscle 20000 times in a span of 30 mins.”

Natanong din namin kung sino ang gusto niyang makasama sa pelikula o series. ”Si Jomari (Yllana) gusto ko ko siya makasama sa isang project. And lately nakasama ko si Christopher de Leon, that’s one of my dream na makasama ko siya. One scene lang iyon pero wow!”

Sinabi pa ni Priscilla na gusto naman niyang gumawa ng horror film. “I want to try a horror movie. Hindi ko alam, pero the first movie I did before the Guwapings, horror naman ‘yun but it was more of comedy horror. Mahilig kasi ako sa horror movies, mahilig ako mag-watch ng horror and I’d love to try it.”

At dahil isa si Priscilla sa mga nagpasikat at sumikat sa paggawa ng sexy films, natanong ito kung sa pagbabalik niya’y makakaasa ang netizen na gumawa uli siya ng sexy movie na ngayo’y nauuso na naman.

“If my body will allow it, which I have to work on. That’s why I’m doing my best. Pero ‘yung sexy movies like before what I used to, that one parang hindi na yata bagay, lalo sa age ko ngayon. Siguro more of a dialogue would be different. I’m actually really excited for what Viva has planned for the coming projects, lalo na acting wise. I said I always wanted to do more roles na challenging. Parang kontrabida, gusto ko ‘yung maging salbahe sa TV and movies and challenging roles that I never did before. I’m excited for that and we thought about it and hopefully makakayanan kong gampanan ang mga role na ibibigay sa akin,” ani Priscilla.

“Sa acting, I think mae-expect n’yo is a different side of me kasi mother side na and a little bit of a fighter because roon sa una kong assignment, I fight for animal rights. ‘Yun ang character ko roon. It’s different kasi hindi n’yo pa ako nakitang mother role. Kasi naman noon would always inaapi, probinsiyana, young virgin role, now more matured roles,” sambit pa ni Abby.

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Alfred Vargas Piolo Pascual FAMAS

Best Actor award ng FAMAS sinungkit ni Alfred Vargas, ka-tie ni Piolo Pascual

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAPALUNAN ni Alfred Vargas ang kanyang unang FAMAS Best Actor …

Kris Bernal Hailee Lucca

Kris Bernal problema pa rin paghahanap ng yaya sa anak

MATABILni John Fontanilla MAY isang taon na pala simula nang mag-post si Kris Bernal sa kanyang social …

Eva Darren FAMAS Sheena Palad Tirso Cruz III

Kontrobersiya laging kakabit ng FAMAS

I-FLEXni Jun Nardo HAYAAN na ninyo ang FAMAS. Humingi na rin naman ito ng apology sa …

Mic Singing

Singer alsa balutan sa holding area nang sabihang ‘Bakla Ka!’ ni Gay make up artist 

I-FLEXni Jun Nardo TINAWAG na bakla  ng isang gay make up artist and stylist ang isang klosetang singer nang …

FAMAS

FAMAS nakabawi na sana nabahiran pa ng pang-iisnab

HATAWANni Ed de Leon NAKATUTUWA nga sana ang FAMAS sa taong ito. Kasi binigyan nila ng pagkilala …