FACT SHEET
ni Reggee Bonoan
HABANG isinusulat namin ang balitang ito ay nagpadala kami ng mensahe kay Aiko Melendez kung kailan naman siya magsusumite ng Certificate of Candidacy pero hindi kami sinagot pa.
Kasalukuyang nasa lock-in taping ang aktres para sa Prima Donnas at baka abala siya kaya hindi kami nasasagot pa.
Hanggang Oktubre 8 na lang ang filing, eh, Oktubre 6 na? Baka naman sa last day siya mag-file dahil nga nasa lock in-taping siya?
Anyway, sinilip namin ang FB page niya at may post siya ng magandang larawan niya na ang caption ay, ”(emoji heart) CONGSI AIKO MELENDEZ aalagaan kayo.”
Sa madaling salita tuloy na tuloy na siya sa kandidadura niya sa pagka-congresswoman at naaliw kami sa running joke na AM vs PM na ibig sabihin ay Aiko Melendez versus PM Vargas.
Ang daming bumati na sa aktres at lahat ay nagsabing, ‘support you all the way.’