INIHAYAG ng Department of Foreign Affairs (DFA) na maling impormasyon ang dahilan ng pagkaantalà sa passport appointments.
Aabutin ng 60 araw bago maitama ang mga passport application na may mga maling impormasyon.
Paliwanag ng DFA, kasalukuyang itinatama ang mga mali ang pangalan, kapanganakan, sa passport applications form, at kailangan pa umanong isa-isahin ang bawat application na may mali upang tiyaking tama ang detalyeng lalabas sa kanilang passport.
Pinayohan ng ahensiya ang mga passport applicant na ‘wag magpunta sa DFA offices habang walang tawag o email na natatanggap upang hindi masayang ang oras.
Inilinaw din ng DFA na hindi pa bukas ang appointment slot sa nalalabing araw ng Oktubre, Nobyembre, at Disyembre.
Hintayin ang muling pagbubukas ng appointments slot sa mga darating na araw kung saan libre ito at makakukuha sa passport.gov.ph.
Paalala ng DFA tiyaking walang mali sa kapanganakan kapag nag-fill up ng aplikasyon form upang hindi maabala. (GINA GARCIA)