Saturday , January 10 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Andrew E

Andrew E aminadong na challenge sa Gen Z viewers — Yung joke na nakita na nila bawas na ‘yun sa attention o appreciation nila

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

AMINADO si Andrew E na matindi ang challenge na naranasan niya sa paggawa ng pelikulang Shoot Shoot!: Di Ko Siya Titigilan!I handog ng Viva Films na mapapanood na sa Vivamax sa October 8 dahil sa mga bagong audience.

Aniya sa isinagawang virtual media conference, ”Pinakamatinding challenge talaga itong ‘Shoot Shoot!: Di Ko Siya Titigilan! dahil unang-una haharap ka sa mga millennial and mga young once na araw-araw eh mga nakaharap sa social media. So, anything na makuha mo o mai-portray o magawa mong joke o acting na nakita na nila, in effect parang bawas iyon sa kanilang attention o appreciation kaya ‘yung challenge mas matindi, mas may hamon.

“Unlike before 30 years ago wala namang social media. Anumang ilatag mo sa kanila by means of movie, eh tatanggapin lang nila ‘yun. Ang sagot na lang eh kung magugustuhan nila o hindi. So, walang gaanong challenge noon,” sambit ni Andrew E.

“Ikalawa, bilang kasama sina AJ Raval and Sunshine Guimary, for me kung may challenge mang ganoon, mas lalo namang dumadali ang aking solusyon towards the challenge kasi kasama ko mismo ang mga kinagigiliwan at hottest sensation of today. Kaya for me, they can already deliver kung ano man ang ide-deliver nila. ‘Yung sa akin katiting na lang kaya kung pagsasamahin kaming tatlo, plus the fact na maganda ang pelikula, then again 100 percent for sure eh hindi na papasok ang challenge. Kundi tatanggapin kaming buong-buong at i-appreciate kami ng buo.”

Malaki naman ang pasalamat ni Andre sa mga nagsasabing kapag  pelikula niya, swak na comedy agad ito. “Nagpapasalamat ako na ganoon ang pananaw ng iba at ganoon ang appreciation nila kaya minamabuti ko na to provide with the best of my knowledge and at the best na maibigay ang hinihingi ng ating director ng movie o script at the same time maibigay ang the best para the more ma-appreciate ng tao. Kaya wala akong iniisip dito kundi how to jell, how to dwell with my leading ladies, AJ and Sunshine and sa lahat ng cast. ‘Yun ang target ko all the time. And have a good vibe para lalong makapag-portray ng maganda.”

Nilinaw naman ni Andrew na silang tatlo nina AJ Raval at Sunshine Guimary ang bukod-tanging in demand sa Viva.

Aniya, ”Hindi lang kami ang in demand sa Viva. Napakaraming artista sa Viva ang in demand ngayon. Sa katunayan kaliwa’t kanan, harap at likod ang gawaan ng pelikula sa Viva. Para ‘yan sa lahat ng artista ng Viva. Maraming opportunity na ibinigay ng Viva at marami rin silang artista na pinasa-sign uli o kinukuha. Ako po sina-sign po uli ng Viva para sa apat na movies pa.”  

Kaya naman malaki ang pasasalamat ni Andrew sa Viva sa ibinibigay nitong pagkakataon na makagawa pa rin siya ng pelikula.

Isa rin sa ipinagpapasalamat niya ay ang paggawa niya ng label under Viva Records para siya mismo ang makapag-provide ng projects para sa upcoming movies ng film company. Ibig sabihin, magsu-suplay siya ng soundtract bilang siya ang producer.

“Maybe sa susunod na movie makagawa ng projects. Napag-usapan din namin ng mga Viva boss na pwede rin ako in one aspect na makapag- suplay ng project for Vivamax tulad nitong movie namin sa viva na makapagbuo ng ganito.”

Ang Shoot Shoot!  ay ukol kay Jack (Andrew E) isang lalaking nakatira sa maliit na bayan na ang tanging pangarap ay ang maging isang aktor. Pagkatapos sumabak sa napakaraming auditions, napili rin siya sa role na tagapagmana ng mayamang kamag-anak. At habang binabasa niya ang linya narinig ng mga kapitbahay na pinamanahan siya ng $100-B. Kaya naman sumikat sila sa kanilang bayan na maging ang mga babae ay gustong makuha ang kanyang atensiyon.

Mapapanood na sa Oct. 8 ang Shoot Shoot: Di Kita Titigilan streaming online sa Vivamax.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Lala Sotto MTRCB

Sa pamumuno ni Chair Lala Sotto, MTRCB nakapagribyu ng 172,000 na materyal noong 2025; isinumiteng mga pelikula umangat sa 13.34%

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAKAPAG-REVIEW ang Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB), …

Joseph Marco Rhen Escaño My Husband is a Mafia Boss

Joseph Marco at Rhen Escaño bibida sa My Husband is a Mafia Boss

HINDI nauubos ang mga kapana-panabik na handog ng Viva One para sa mga loyal viewer at Wattpadseries enjoyers. …

SSR Shake Rattle and Roll Evil Origins

Shake, Rattle &Roll: Evil Origins tumabo ng mahigit P110-M sa takilya, palabas pa sa mahigit 100 sinehan

NA-BREAK na ng Shake, Rattle & Roll: Evil Origins ang P100-M mark sa isinasagawang Metro Manila Film Festival …

CoJ Cup of Joe Stardust

Cup of Joe’s Stardust int’l leg kasado na

I-FLEXni Jun Nardo KASADO na ang Stardust international tour ng multi-awarded record breaking band na Cup of Joe. …

Beauty Gonzalez

Beauty certified yoga instructor na

I-FLEXni Jun Nardo MATAPANG, bumiyahe mag-isa si Beauty Gonzales, huh! Ginawa niya ‘yan nang pumunta siya …