Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Val de Leon, illegal online sabong

Ilegal na sabungan muling sinalakay at ipinasara ng PNP

ISANG araw matapos ipasara ng National Bureau of Investigation (NBI) ang illegal online sabong sa San Leonardo, Nueva Ecija, muli itong nagbukas kaya’t nagdagsaan muli ang mga parokyano nito.

Agad namang ipinasara ni Philippine National Police (PNP) Region 3 Chief Brig. Gen. Val de Leon ang naturang illegal live streaming cockfighting sa Mavis sports complex sa nasabing bayan.

Ayon kay Gen. De Leon, “referred for further investigation  ang iniutos ng piskal kaya pinakawalan din ang mga dinampot na parokyano.”

“Pero may mga nagreklamo kasi na kulang ang kanilang kaukulang papel tulad ng notice to commence from PAGCOR, kaya ipinahinto namin dahil wala silang maipakitang ganyang papel,” dagdag ni De Leon.

Aniya, “may mga nagtimbre sa amin na nagkukumpulan ang mga tao sa loob, e violation ng health protocol ‘yun.”

Patuloy namang inaalam ng PNP ang may-ari o mga operator ng ilegal na pasugalan dahil hindi nila ito nadatnan doon.

Pero ayon sa ilang source sa PNP, isang opisyal sa probinsiya ang may-ari nito.

Maging si DILG Usec. RJ Echiverri ay nagsabing masusi nilang iimbestigahan ang naturang online illegal sabong.

Tiniyak ni Echiverri, mananagot ang mga taong nasa likod ng operasyon ng ilegal na sugal habang bibigyan ng proteksiyon ang mga legal.

Ang mga legal na online sabong ay superbisyon ng PAGCOR.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Joey Salceda

Salceda, walang kinaalaman sa ‘2024 national budget insertions’

MATINDING pinabulaanan ni dating Albay Rep. Joey Sarte Salceda ang paratang na mayron siyang kinaalaman …

Nartatez PNP

PNP sa Ilalim ni Chief Nartatez: Disiplina, Aksyon, at Kongkretong Resulta

Sa larangan ng pagpapatupad ng batas, hindi nasusukat ang pamumuno sa dami ng sinasabi o …

Grab LTFRB

Grab PH respetado utos ng LTFRB 50% bawas sa pasahe ng TNVS

IGINAGALANG  ng Grab Philippines ang utos ng pamahalaan na bawasan pansamantala ng 50% ang pasahe …

American Bully Dog Kobe

Valenzuela LGU kinondena karumal-dumal na pagputol sa dila ng American Bully

GALIT at bibigyan ng hustisya ng Valenzuela local government unit (LGU), maging ang may-ari ng …

Patas na pasahe para sa TNVS drivers at pasahero

IKINABAHALA ng TNVS Community Philippines ang Memorandum Circular ng LTFRB na nagbababa sa surge pricing …