Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Vilma Santos

Premiere vlog ni Ate Vi naka-70K views agad

HATAWAN
ni Ed de Leon

DOON sa naging simula ng vlog ni Ate Vi (Congw. Vilma Santos) sa sarili na niyang channel, makikitang hanggang sa ngayon ay lamang pa rin sa kanya ang pagiging isang aktres, kaysa pagiging isang politician. Sinabi naman niyang wala pang definite content ang vlog niyang Ate Vi for all Seasons. Katunayan nagtatanong pa nga siya sa audience niya kung ano ang gusto niyang itawag sa kanila. Hindi naman kasi puwedeng ”friends” lang. Hindi rin kagaya ng dati na kung sabihin niya “my Vilmanians” dahil ang audience niya ngayon ay hindi lamang mga Vilmanian kundi ang mga constituent niya, at iyong mga “looking forward” na maging constituents din niya.

Pero ang nakagugulat, sa kanyang premiere vlog, na lumabas naman ng katanghaliang tapat, kasabay ng mga Sunday noontime shows sa telebisyon, nakapag-rehistro ng mahigit na 70,000 viewers agad, at hindi gaya ng ibang vlogs na bumababa ang bilang ng audience habang nagtatagal, mukhang tinapos ng mga nanonood ang kanyang isang oras na vlog na marami ang nagsasabing kulang ang isang oras.

Eh simula lang naman iyan. Sinasabi nga ni Ate Vi na sa mga susunod na vlogs , gagawin na niya iyong ”live”. Oras na mag-live si Ate Vi, naku humanda na kayo. Iyon nga lang makipagkuwentuhan minsan iniiwasan niya dahil mahirap maawat eh. Pero tiyak na mag-eenjoy naman ang fans doon.

Marami rin ang nakabantay noon sa kanyang vlog at nag-aabang kung ano na ang sasabihin niya sa kanyang political career. May nagsabi ngang may inutusan na raw manood kay Ate Vi, para maabisuhan na nga ang mga troll kung sisiraan na siya, pero ewan kung manalo nga ang 30,000 suwelduhang trolls sa libo-libong Vilmanians basta binalikan sila. Pero wala pa ngang sinabi si Ate Vi, dahil ipinagdarasal pa niya iyan.

May nagsisimula na ngang mga troll simula noong sabihin nila ni Senator Ralph Recto na suportado nila si Yorme Isko. Para lang maiwasan muna, inawat ni Ate Vi ang mga Vilmanian at sinabihang huwag patulan.

Pero kung papatulan ng mga Vilmanian iyan, makatitikim sila ng hindi pa nila nararanasan sa kanilang buhay. Wala iyang mga troll kung ang pagbabatayan ninyo ay ang tarayan ng mga Noranian at Vilmanian noong araw. Baka ang ka-level ng mga troll ngayon, para lang fans ni Dolly Favorito noong araw, o fans ni Nori Dalisay.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Zaijian Jaranilla Earl Amaba Krystel Go Im Perfect

Zaijian nahirapan noong una: pero nang nakita ko ‘yung eksena sobrang magical

RATED Rni Rommel Gonzales MAHUSAY na aktor pero aminado si Zaijian Jaranilla na nahirapan siya sa papel …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

Sylvia Sanchez Im Perfect MMFF

Sylvia laban o bawi ang I’m Perfect

RATED Rni Rommel Gonzales MGA “anghel sa buhay namin” ang tawag ni Sylvia Sanchez sa mga cast …

Innervoices Aliw Awards

Innervoices Best Group Performer in Hotels, Music Lounges and Bars sa 38th Aliw Awards

RATED Rni Rommel Gonzales “MEN in white” barong ang peg ng paborito naming Filipino all-male …

Maya Twinyonaryo

Maya sa Twinyonaryo ng paghiram, paggastos 

NGAYONG Kapaskuhan, mas sulit ang bawat gastos mo lalo kung may chance manalo ng malaki …