Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

VP bid ni Duterte unconstitutional (3 sa 5 Pinoy naniniwala)

092821 Hataw Frontpage

ni ROSE NOVENARIO

ILUSYON na lang ni Pangulong Rodrigo Duterte na gusto pa ng mayorya ng mga Pinoy na manatili siya sa puwesto matapos ang kanyang termino sa Palasyo sa 2022.

Batay sa resulta ng Social Weather Stations (SWS) survey, tatlo sa limang Pinoy ay naniniwala na ang 2022 vice presidential bid ni Duterte ay labag sa intensiyon ng 1987 Constitution.

Sa 1,200 adults na tinanong sa survey mula Hunyo 23 -26, lumabas na 60 porsiyento ay nagsabi na ang balak na pagtakbo ni Duterte bilang VP ay unconstitutional — ‘it violates the intention of the Constitution, which should first be amended before he may run for office again’,” ayon sa SWS.

May 39 porsiyento lamang ang nagsabi na dapat ituloy ni Duterte ang pagkandidato bilang VP “because I would like his management of the government to continue.”

Habang ang natitirang isang porsiyento ay hindi nagbigay ng sagot.

Pinakamataas ang pagtutol sa VP bid ni Duterte sa

Luzon 65%, sa Visayas 59%, sa Metro Manila ay 56% at sa Mindanao 53%.

Matatandaan, inamin ni Pangulong Duterte na takot siya sa mga nakaambang kasong isasampa laban sa kanya pagbaba sa puwesto sa 2022 kaya nagpasyang sumabak sa 2022 vice presidential race.

Naniniwala ang ilang kritiko na pinaiikutan lang ni Duterte ang probisyon sa Konstitusyon na nagbabawal sa dagdag na termino sa Pangulo kaya’t pinupuntirya ang Vice President post na nasa mandatory line of succession kapag nabakante ang posiyong presidente.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rose Novenario

Check Also

FIFA Futsal

Apat na higante magsasagupaan; FIFA Futsal Women’s World Cup lalo pang umiigting

MGA LARO SA BIYERNES(PHILSPORTS ARENA)6 P.M. – ARGENTINA VS PORTUGAL8:30 P.M. – SPAIN VS BRAZIL …

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …