Saturday , November 2 2024
SEA Games cauldron

Mga kritiko, sablay: Pribadong sektor nagbayad ng SEA Games cauldron

ANG P50-million cauldron na ginamit noong 2019 Southeast Asian Games (SEA) ay binayaran ng pribadong sektor at hindi ng gobyerno.

Ito ang iginiit ni House Speaker Alan Peter Cayetano sa isang panayam kay television host Boy Abunda nitong Sabado, 25 Setyembre.

“People will be surprised because the government didn’t spend a single cent on it. Because the private sector paid for it,” sinabi niya sa pagsagot sa mga paratang na overpriced at maluho raw ang naturang cauldron.

Sinabi ni Cayetano, tagapangasiwa ng Philippine South East Asian Games Organizing Committee (PHISGOC) noong 2019, mas mura ang nasabing cauldron kaysa ginamit sa mga naunang SEA Games.

Ang cauldron ay dibuho ng namayapang National Artist for Architecture na si Francisco Mañosa, kinikilala bilang isa sa mga pinakaimpluwensiyal na arkitekto ng 20th century.

“I could have come up with a more humble one. Pero debut natin ito sa buong mundo. Ipinapakita natin na ‘yung facilities natin (ay) world-class,” wika ni Cayetano.

Sinabi rin ng dating Speaker, ang mga akusasyon ng korupsiyon na umikot sa cauldron ay nagtulak sa ilang mga kompanya na umatras sa kanilang sponsorship noong 2019 SEA Games.

“Much more would have been paid by the private sector kung ‘di nagkaroon ng crab mentality at siniraan. Kasi marami kaming sponsors na umatras,” wika niya.

Iginiit din ni Cayetano na hindi siya kumita ng kahit anong halaga sa SEA Games.

“My life in politics has not been perfect but ni singko sa SEA Games, wala akong ginalaw,” sabi niya.

Higit sa 5,000 atleta mula sa 11 bansa ang lumahok sa 2019 SEA Games, na ang Filipinas ang naging overall champion at humakot ng 387 medalya, at may 149 ginto.

Pinuri ni Olympic Council of Asia Vice President Wei Jizhong ang mga organizer at si Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa matagumpay na SEA Games, at sinabing kaya ng Filipinas na mag-host ng mas malalaking palaro.

About hataw tabloid

Check Also

Bicol Money

Sa pananalasa ng bagyong Kristine
SA P132-B PONDO PARA SA BICOL FLOOD CONTROL MAY DAPAT MANAGOT — IMEE

TINULIGSA ni Senadora Imee R. Marcos ang malalang pagbaha sa Bicol sa kabila ng P132 …

Rodrigo Duterte Bato dela Rosa

Kung may sapat na batayan
DUTERTE SAMPAHAN NG KASO, HAMON NI SEN. BATO DELA ROSA

HINAMON ni Senador Ronald “Bato” dela Rosa ang nais magsampa ng kaso laban kay dating …

PAGASA Bagyo Leon

Signal No. 5 itinaas sa Batanes daluyong pinangangambahan

ITINAAS ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 5 sa hilaga at silangang bahagi ng lalawigan …

arrest, posas, fingerprints

Pumugot sa sekyu sa QC timbog

NADAKIP ng Quezon City Police District (QCPD) ang driver na pumugot sa security guard ng …

Arrest Posas Handcuff

DILG’s most wanted na pumatay sa Konsehal, naaresto ng QCPD

NAARESTO ng mga operatiba ng Quezon City Police District – District Intelligence Division (QCPD-DID) ang …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *