I-FLEX
ni Jun Nardo
NATAPOS na ni Direk Adolf Alix, Jr. ang launching movie ni Joaquin Domagoso, ang guwaping na anak ni Manila Yorme Isko Moreno.
May title itong The Boy In The Dark na isang suspense drama. Kaya ‘yung fans ni Joaquin eh abangers na sa launching movie nito.
Naku, makikita ninyo ang kaguwapuhan ni Joaquin kapag nagsimula nang mag-ikot ni Yorme Isko sa buong bansa para sa kandidatura niya as President sa 2022 elections.
Sa totoo lang, umani ng papuri ang Kapuso series na katatapos lang gawin ni Direk Adolf, ang Loving Miss Bridgette nina Beauty Gonzales at Kelvin Miranda.
Umaapaw kasi sa screen ang chemistry nina Beauty at Kelvin kaya mataas ang ratings nito sa TV. By November, isang bagong movie ang gagawin ni Direk Adolf.