SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio
INAMIN ni Sen. Tito Sotto na kinokonsulta niya sina Vic Sotto at Joey de Leon lalo na sa naging desisyon niyang pagtakbo bilang Vice President ni Sen. Pampilo Lacson sa 2022 election.
“Vic and Joey are well rounded because of ‘Eat Bulaga’ and their experience of 43 years of being in a…’Eat Bulaga’ has become a public service program, mascarading as an entertainment show. Doon nag-metamorphisize ang show na iyan eh. Vic and Joey are well rounded malakas ang pulso ng mga iyan, kaya every now and then we talked hangga’t maaari, kahit nga nitong lock down nag-uusap-usap kami.
“There was a time na hindi kami nagkita-kita, pero noong nagkita kami okey naman, masaya kami lahat, then lately we have a meeting, I have been getting their thoughts on certain issues. Hindi mawawala sina Vic at Joey,” ani Tito Sen sa Zoom Kumustahan kahapon ng umaga.
Kaya ‘wag tayo magulat isang araw kung may mapanood na tayo sa social media na jingle o mga pakulo mula kina Tito Sen kasama sina Vic at Joey dahil may naka-set na silang meeting this week kasama siTony Tuviera ngAPT Entertainment.
Samantala, nabago rin ang paraan ng pangangampanya ngayon dahil sa pandemic. Ayon kay Tito Sen, nag-extra effort sila para mas makita sila sa social media lalo’t marami sa ating mga netizens ang nakatutok lalo na ang mga kabataan.
Pero bago pa man pala magdeklara ng kanilang kandidatura ang tandem nila ni Sen. Ping, nag-umpisa na silang magpunta sa iba’t ibang na probinsiya. Inuna nila ang Bulacan sumunod na ang mga kalapit na lugar dito.
“Nabago ng pandemic ang landscape ng kampanya kaya kombinasyon ang ginawa namin (sa pangangampanya). We still go out, show ourselves, talked to the local government officials, religious and private sectors.
“Malaking bagay sa panahon ngayon hindi lang basta sa grassroots ka, kailangan may magdadala sa iyo, ‘yung mga organization. Kasi kahit gaano ka-kapopular, if you do not have an organization you belong, because of the pandemic, there is no such thing as a rally rally na makakaikot ka at magkakagulo ang mga tao sa iyo. Hindi pwede, delikado ka, at delikado sa mga kababayan natin. Kaya sa palagay ko itong strategy natin is doing well.
“Kombinasyon ‘yung ginagawa namin, pagbaba sa grassroots then sa social media. Mahalaga ‘yung young voters na hindi pwede basta-basta bola-balahin.”
Nang tanungin naman ang quality o strength ng tandem ng Ping-Tito, sinabi niyang, “Katapatan, kakayahan, Katapangan. Nakapaloob doon ang aming mga record mula noon na kapag pinagsama mo ang aming serbisyo-publiko, 83 years together. ‘Yung 51 years ni Sen. Lacson, 32 years naman ako. Roon sa track record na lang namin makikita mo kung ano ang aming paninindigan,” giit pa ni Tito Sen.