Friday , January 30 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Klea Pineda, Mark Herras

Klea at Mark ipaglalaban ang pag-iibigan sa #MPK

Rated R
ni Rommel Gonzales

ISANG kuwento ng pag-ibig na magpapatunay sa kasabihang ‘first love never dies’ ang tampok sa fresh episode ng Magpakailanman sa Sabado, Setyembre 25.

Bida sa episode na pinamagatang My First, My Forever sina Klea PinedaMark HerrasDominic Roco, at Maey Bautista.

Maituturing na first love nina Irene at Guding ang isa’t isa subalit paghihiwalayin sila ng tadhana. Nangako sila na hindi magiging hadlang ang pagpunta ni Irene ng Maynila para mag-aral.

Pero makikilala ni Irene sa kanyang pinapasukang trabaho si Nelson na labis siyang gusto. Kaya kahit na inamin ni Irene na mayroon nang nagmamay-ari ng kanyang puso, pinagsamantalahan pa rin siya ni Nelson. Nagdalang-tao si Irene at pinilit na ipakasal ng ama ni Nelson.

Labis na nasaktan si Guding nang malaman ang balita at nagdesisyong sumali ng NPA. May pag-asa pa nga kaya ang pag-iibigan nina Irene at Guding?  

Abangan ang My First, My Forever saSabado, 7:15 p.m., sa Magpakailanman.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

BINI Jhoanna Puregold The Witness

BINI Jhoanna tampok sa isang cameo role sa pasasalamat ng Puregold sa mga may-ari ng sari-sari store

IPINAGPAPATULOY ng Puregold ang pasasalamat sa mga may-ari ng sari-sari store o maliliit na negosyante sa serye …

Fifth Solomon Joseph Marco Rhen Esçan̈o

Direk Fifth aarte muli basta maganda ang proyekto  

MATABILni John Fontanilla HANDA pa ring umarte sa mga teleserye o pelikula  si direk Fifth Solomon. Matagal-tagal …

Alden Richards Nadine Lustre

Alden excited makatrabaho si Nadine 

MATABILni John Fontanilla MASAYA si Alden Richards na makakatrabaho si Nadine Lustre. Anang actor, isa si Nadine sa …

Ai Ai delas Alas Empoy Marquez

Ai Ai ayaw manira ng masayang pamilya

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez “AYAW kong manira ng masayang pamilya!” Ito ang iginiit ni Ai Ai delas …

Vic del Rosario Ricky del Rosario

Kapatid ni Boss Vic na si Ricky ngayong araw ang libing

I-FLEXni Jun Nardo PUMANAW na ang nakababatang kapatid ni Boss Vic del Rosario ng Viva Group of Companies na …