Friday , November 22 2024

Isko-Doc Willie sa 2022 polls poised to win (Ayon sa pol analysts)

092221 Hataw Frontpage

TATAKBO bilang pangulo ng Filipinas si Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domogoso sa 2022 elections at magiging vice presidential running mate niya si Dr. Wille Ong.

Pormal na iaanunsiyo ito ni Moreno bukas sa BASECO Compound sa Port Area, Maynila, ayon sa Manila City Public Information Office at sa campaign manager niyang si Lito Banayo.

Para kay Tony La Vina, dating dean ng Ateneo School of Government, may malaking tsansa na manalo si Moreno lalo na’t ang tambalan nila ni Ong ay “with confidence, with vision, polite at hindi sila bastos.”

Tinawag ni La Vina na stroke of genius ang pagpili ni Moreno kay Ong bilang tandem sa 2022 elections dahil sa imahen niyang seryosong doctor tulad ni dating Sen. Juan Flavier.

“Stroke of genius ‘yung kay Dr. Ong, perfect choice for the pandemic, serious doctor parang Flavier siya. This election will just stay sa social media and local government, mukhang ang advantage na kay Isko and Ong,” sabi ni La Vina sa programang SRO sa DZMM Teleradyo kagabi.

Siguradong matatalo aniya kay Moreno kung ang isasabak ng administrasyon na presidential bet ay si Sen. Christopher “Bong” Go at kung si Davao City Mayor Sara Duterte naman ay baka 50-50 ang tsansa.

“Isko has better chance to win. Populist vote ang kay Isko” dagdag ni La Vina.

Ang inaabangan na lamang aniya ng publiko kay Isko ay ang paninindigan niya sa isyu ng human rights at sa kasong crimes against humanity of murder na isinampa laban kay Pangulong Rodrigo Duterte sa International Criminal Court (ICC).

Naniniwala si La Vina na magpaparaya si Vice President Leni Robredo kay Moreno at isasakripisyo ang ambisyong personal na maging susunod na pangulo.

Gaya ni La Vina, naniniwala rin sina Prof. Jean Franco at Dr. Frederick Rey, associate prof sa University of Santo Tomas (UST) Department of Political Science, malaki ang maitutulong sa kandidatura ni Moreno kapag inendoso ng 1Sambayan lalo na’t organisadong grupo ito.

Sinabi ni Franco, bentaha ni Moreno na masungkit ang malaking boto sa pagiging “telegenic, young, regular guy image, at may pagpapahalaga sa edukasyon na napaka-Pinoy.”

Ayon naman kay Rey, “Isko is poised to win.”

Sa pananaw ni Rey, si Moreno ay “may magandang posisyon, mayroon siyang economic resources, kanyang social capital, network niya medyo established na rin.”

May bloc vote na aniya si Moreno sa Luzon at sa Maynila pa lamang ay malaki na ang boto at may kakayahan siyang umikot sa buong bansa. (ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

DOST 2024 NSTW in Cagayan de Oro City

DOST 2024 NSTW in Cagayan de Oro City

2024 NATIONAL SCIENCE, TECHNOLOGY AND INNOVATION WEEK Siyensya, Teknolohiya at Inobasyon: Kabalikat sa Matatag, Maginhawa, …

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

PINANGUNAHAN ni First Lady Marie Louise “Liza” Araneta Marcos ang distribution ng ayuda sa daan-daang …

Benhur Abalos Jr Senate

Benhur Abalos, top 9 ng Tangere Survey para  sa 2025 senatorial race

KUNG gagawin ngayonang eleksiyon, pasok sa ika-9 na puwesto si Atty. Benjamin “Benhur” Abalos, Jr., …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *