Friday , January 30 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Jao Mapa, Rhen Escaño

Jao Mapa natulala sa erotic film comeback

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

INAMIN ni Jao Mapa na natulala siya nang ialok ng Viva Films ang isang malaking pelikulang magbubunsod bilang comeback movie niya. Ito ay ang Paraluman, isang erotic film na pagbibidahan din ni Rhen Escano.

Napapaisip man, kinonsulta niya ang asawang si Cecille. Okey lang naman sa asawa na gumawa siya ng isang erotic film kaya sa kanya iniwan ang pagdedesisyon.

Ani Jao, kung agad umayaw at hindi pumayag ang kanyang misis,  tatanggihan niya ang project.

 March 2020 pumirma ng kontrata si Jao sa Viva at hindi niya inaasahang mabibigyan siya ng isang malaking break. Dagdag pa na isang magaling na director ang hahawak ng pagbabalik-pelikula niya, si Direk Yam Laranas.  

At para paghandaan ang big break, agad nagpaganda ng katawan si Jao. Nariyang araw-araw siyang nagja-jogging para mawala ang taba-taba.

Gagampanan ni Jao sa Paraluman si Peter, na ka-live-in ng barangay worker na si Giselle (Gwen Garci). Makikilala niya si Mia (Rhen), ang nakababatang kapatid ng kanilang kaibigan na galing sa probinsiya. ‘Di nagtagal ay nahulog ang loob ni Mia kay Peter na di hamak na napakalaki ng tanda sa kanya at nakatakda na ring ikasal kay Giselle. Rito na kailangang mamili ni Peter, si Giselle o si Mia.

At dahil maraming maiinit na eksena si Jao sa Paraluman, natanong ito kung ipanonood ba niya ang pelikula sa kanyang asawa.

“Hindi ko kaya siguro gawin ’yon,” anang actor. ”I can’t. I can’t let her. I can’t. Hindi ko kaya ’yon. Hahaha!

“That would be hard, that would be hard also on her part.”

“I don’t strongly suggest it. And I don’t encourage it. I’ll just respect whatever decision she will make—whether to watch or not,” sunod-sunod na sagot ni Jao.

Maraming exciting at bagong aabangan sa Paraluman kaya manood na sa September 24, streaming online sa Vivamax.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Estate Tax

Bagong Estate Tax bill ni Salceda suportado ng Cebu City Council

Suportado at isinusulong ng Cebu City Council (Sangguniang Panglungsod) ang House Bill No. 6553 ni …

BINI Jhoanna Puregold The Witness

BINI Jhoanna tampok sa isang cameo role sa pasasalamat ng Puregold sa mga may-ari ng sari-sari store

IPINAGPAPATULOY ng Puregold ang pasasalamat sa mga may-ari ng sari-sari store o maliliit na negosyante sa serye …

SM SUSTEX Solar Panels

Solar Philippines company hindi nag-click sa bansa

ISINISI ng isang network ng digital advocates sa mga kapalpakan ng isang kompanyang pag-aari ng …

P43.4-M cocaine BoC NAIA

P43.4-M hinihinalang cocaine nasabat ng BoC sa NAIA-T3

NAKOMPISKA ng Bureau of Customs (BoC) ang hinihinalang cocaine na tinatayang P43 milyon ang halaga …

Amok na pasabero sugatan sa boga ng nagrespondeng airport police

BIINARIL ng mga pulis ang isang 54-anyos guwardiya nang manlaban sa inspeksiyon at tinangkang saksakin …