Wednesday , December 25 2024
Prison Bulacan

28 arestado sa Bulacan (Sa patuloy na anti-crime drive)

HALOS mapuno ang mga kulungan sa Bulacan nang sunod-sunod na maaresto ang 28 kataong pawang lumabag sa batas sa anti-crime drive ng pulisya sa lalawigan hanggang nitong Linggo ng umaga, 19 Setyembre.

Batay sa ulat na ipina­dala kay P/Col. Lawrence Cajipe, provincial director ng Bulacan PNP, nadakip ang walong suspek sa ikinasang anti-illegal drug operations ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Angat, Balagtas, Mey­cauayan at San Rafael City/Municipal Police Station.

Narekober sa opera­syon ang 23 pakete ng hinihinalang shabu, isang van na may lamang apat na sako at sampung basyo o “bayong” ng mga manok na panabong, cellphone, at buy bust money.

Kasunod nito, nasa­kote ang 15 suspek sa anti-illegal gambling operations na isinagawa ng mga tauhan ng Malolos CPS, Provincial Intelligence Unit (PIU), at Bocaue MPS.

Naaktohan ang 11 sa kanila sa ilegal na paglala­ro ng billiards na may pustahan, samantala ang apat na iba pa ay mahjong.

Nasamsam mula sa mga suspek ang billiard cue sticks, flower cue stick, billiard triangle, set ng billiard balls, plastic table, mga upuan, mahjong bricks set, at cash money.

Timbog din ang mga suspek na kinilalang sina John Louie Antonio ng Brgy. Poblacion, Sta. Maria sa reklamong Sexual Assault at paglabag sa RA 7610 (Anti-Child Abuse Law); at Edgardo Soriano ng Brgy. Tangos, Baliwag sa paglabag sa RA 8353 (Anti-Rape Law).

Hindi rin nakaligtas ang tatlong pugante nang maaresto ng tracker teams ng Marilao, San Rafael, Criminal Investigation and Detection Group (CIDG), SJDM CPS, at CIDU QCPD.

Nadakip ang mga suspek sa mga krimeng Qualified Theft Thru Falsification of Public Documents; paglabag sa BP 22 (Anti-Bouncing Check Law); at paglabag sa RA 9262 (Anti-Violence Against Women and their Children). (M BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

Robin Padilla Cannabis Marijuana

Robin iginiit benepisyong medikal na makukuha sa cannabis

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio MASIGASIG si Sen. Robin Padilla sa pagsusulong ng medical cannabis dahil naniniwala …

Zamboanga del Norte

Supplemental budget nakabinbin
OPS NG PROV’L AT DISTRICT HOSPITALS, IBANG PAGAWAING BAYAN SA ZAMBO DEL NORTE POSIBLENG MATIGIL — GOV. NENE

ITO ang malalim na laman ng pahayag ni Governor Jalosjos sa media makaraang sumulat sa …

SMC Toll Fee

Bilang pasasalamat sa mga motorista
BAYARIN SA EXPRESSWAY KAKANSELAHIN NG SMC SA BISPERAS NG PASKO AT BAGONG TAON

NAKATAKDANG kanselahin ng Conglomerate San Miguel Corporation (SMC) ang mga bayarin para sa expressway network …

SM Krus na Ligas 1

Promoting wellness and enhancing healthcare delivery
SM Foundation upgrades vital Quezon City community health center

Refurbished by SM Foundation, Krus Na Ligas Health Center caters to over 73,000 residents of …

Manila Honey Lacuna Yul Servo Nieto

Mayor Honey, VM Yul, Asenso Manileño Team namahagi ng Christmas gift boxes para sa Senior Citizens ng Maynila

NAMAHAGI ng Christmas gift boxes sina Mayor Honey Lacuna – Pangan, Vice Mayor Yul Servo …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *