Tuesday , December 16 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
sing galing

Sing Galing: Sing-lebrity edition total entertainment ang hatid

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

TULOY pa rin ang nakatutuwa at kinagigiliwang show ng netizens, ang TV5’s Original Videoke Kantawanan ng Bansa na mapapanood tuwing Sabado simula September 18, 6:00 p.m., ang Sing Galing: Sing-lebrity Edition.

Kasabay ng tagumpay ng pagbabalik ng Sing Galing ngayong taon sa TV5, ang bagong edition na magso-showcase  sa videoke singing talents, at ilan ditto ang mga well-loved local celebrities at social media personalities tulad nina Alex Medina, Kris Bernal, MC Muah, Hero Angeles, at Joseph Bitangcol. Kasama rin sina Samantha Bernardo, Madam Inutz, Pooh, Paolo Pangilinan, Jayson Gainza, Baby Boobsie, at Ate Gay

Tiyak na total entertainment ang hatid ng Sing Galing:Sing-lebrity Edition na hindi lamang maghahatid ng tuwa, saya, musika, at excitement sa lahat ng Kaawitbahays kundi pati ang pagtulong sa mga mapipili nilang beneficiaries o ang bidaficiaries.

Sa Sabado, paparada ang mga bagong Jukebosses na sina Dingdong Avanzado (D’OPM Heartthrob), Ethel Booba (Champion Diva), at Allan K (OG Singmaster). Atsiyempre nariyan pa rin ang mga original jukebosses, ang nag-iisang Sing-nior Hitmaker na si Rey ValeraAng mga Sing masters na sina Randy Santiago, K Brosas, at Donita Nose ay sasamahan din ng mga Singtoker na sina Billy King at Queenay. At para kompletong-kompleto, join din ang mga TikTok superstar na si Zendee, ang host ng Saturday edition na digiverse show, Now Zending Zikat!

Tulad sa mga naunang season, tatlo sa (3) celebrity guests ang lalaban sa  tatlong (3) rounds para matukoy ang Bida-oke Sing-lebrity of the Night. Ang magwawagi ay mag-uuwi ng cash prize at makikipag-celebrate sa kanilang napilin bida-ficiary  sa pamamagitan ng live repartee at makakasama sa Celebri-Team Galing, ang pool ng BidaOke Sing-lebrities na makakasama sa semifinals.

Tuwing Sabado, ang sing-lebrities ay makikipag-compete  sa mga sumusunod na rounds: Random-I-Sing: KantarantahanHula-Oke Ka Lang D’yan?, at sa  final round, Duelo-Oke Extreme. At kapag napili na ang Bida-oke Sing-lebrity of the Night, may pagkakataaon silang makapili ng bida-ficiary sa bonus round, ang  A-Sing-Tado Level Up. Ang lucky bida-ficiary ay puwedeng individual o group.

Kaya watch na ng  Bida-oke Sing-lebrity sa Sing Galing: Sing-lebrity Edition simula September 18, Saturday, 6:00 p.m. sa TV5!

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

MMFF 2025 Movies

MTRCB ratings ng 8 pelikula sa MMFF inilabas

NATAPOS na ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB), sa pangunguna ni Chairperson at CEO Lala …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila hulicam pagka-sweet sa concert

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HINDI nakaligtas sa mapanuring netizens ang pagpapakita ng ka-sweet-an nina Daniel Padilla at Kaila …

Ice Seguerra Being Ice

Ice Seguerra’s Being Ice: Live! mapapanood sa New Frontier

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez ISANG one-night-only homecoming show ang muling ibabalik ni Ice Seguerra matapos mapanood at …

Im Perfect Sylvia Sanchez Sigrid Andrea Bernardo

Sylvia ‘di nagdalawang isip sugod agad sa I’m Perfect; Joey Marquez umiyak sa unang araw ng shoot

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez AMINADO si direk Sigrid Andrea Bernardo, direktor at sumulat ng I’m Perfect, isa sa walong …

Rhodessa Montano Belen

Mrs. Asia Pacific Intercontinental 2024 Rhodessa Belen tinulungan Philippine Delegates; Korona ipinasa sa bagong reyna

PORMAL nang nagtapos ang reign ni Rhodessa Montano Belen bilang Mrs. Asia Pacific Intercontinental 2024 o sa ginanap na Mrs. …