Sunday , November 17 2024
Rico Blanco, Pinoy Tayo, Jonathan Manalo

Pinoy Tayo ni Rico Blanco nilapatan ng etnikong tunog

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

ANGAT NA ANGAT ang bagong aregalo ni Rico Blanco sa awiting Pinoy Tayo. Bale ito ang anniversary version ng makabayang awitin na  Pinoy Ako na unang narinig taong 2005 mula sa bandang Orange and Lemons.

Ngayon, ang remake ni Rico ang magsisilbing official theme song ng nalalapit na Pinoy Big Brother (PBB) Kumunity Season 10.

Ayon music icon, ”It’s such an honor to do the song. Just what it stands for. The original version is so well-loved. This is a chance to rediscover it.”

Maririnig ang etnikong tunog sa panimula pa lang ng kanta sa bagong  Pinoy Tayo na komposisyon ni ABS-CBN Music creative director Jonathan Manalo kasama sina Clem Castro at Rico, na siya ring nagprodyus katulong si Jonathan bilang supervising producer.  

“Tinanong ko ang sarili ko ‘ano ba ‘yung ako’ and I put in all the small elements that my songs had throughout the years,” pagbabahagi ni Rico ukol sa naging inspirasyon niya sa paggawa ng bagong bersyon.

“Excited ako about that happiness na maibibigay ng kanta. It’s a very bright, upbeat song, and I kept that from the original version,” dagdag pa ng magaling na singer. 

Samantala, bukod sa pagiging theme song ng PBB, nakatakda ring maging lead single ang Pinoy Tayo ng 25-track album na ilalabas ni Jonathan bilang pagdiriwang ng kanyang ika-20 taon sa industriya.

Hindi pa rin makapaniwala ang multi-awarded singer at songwriter sa naging tagumpay ng kanta bilang statement ng Pinoy pride at sa patuloy nitong pag-angat sa damdamin ng mga Filipino mula sa iba-ibang henerasyon.

Ani Jonathan, ”I’m grateful na marinig mula sa iba’t ibang tao na naging bahagi na ang kantang ito ng soundtrack ng buhay nila.”

Masaya ring niyang ibinahagi na finally ay naisakatuparan na ang dream collaboration niya kasama ang isang icon at legend sa katauhan ni Rico.

Ani Jonathan kung gaano kahalaga ang kantang Pinoy Tayo para sa kanya sa panahon ngayon, ”Ito ‘yung gusto naming ibigay sa audience na mapagaan man lang ang pinagdaraanan nating lahat at magbigay ng pag-asa at inspirasyon individually and as a nation. And also to remind us na maraming reasons pa rin to celebrate ang ating pagiging Filipino.” 

Samantala, para sa mga nagnanais maging Pinoy Big Brother Kumunity Season 10 housemate, maaari nang mag-audition ang may edad 20 hanggang 40 bilang adult housemates hanggang September 30.

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Robin Padilla WPS

Robin gagawa rin ng pelikula ukol sa West Phil Sea

IKINAGALAK ni Dr Michael Raymond  Aragon, Executive Producer ng WPS (TV/ Radio series na ipinalalabas ngayon sa DZRH TV at DZRH radio) at …

Ken Chan Café Claus

Ken Chan iginiit: Hindi po ako nanloko

ni JOHN FONTANILLA BINASAG ni Ken Chan ang pananahimik matapos mabigong pagsilbihan ng mga awtoridad ng warrant …

Yasmien Kurdi Rita Daniela Archie Alemania Baron Geisler

Yasmien aminadong may trauma pa rin kay Baron, pinayuhan si Rita

MA at PAni Rommel Placente SA guesting ni Yasmien Kurdi sa radio program ni Gorgy Rula, natanong siya …

Kathryn Bernardo Alden Richards Cathy Garcia Molina Sampana

KathDen fans umalma, vloggers na nagpakalat ng HLA video clips tinalakan

MA at PAni Rommel Placente MAY ilang vloggers na nagpapakalat ng video clips na kuha …

Rhian Ramos Rita Avila

Rita Avila saludo sa kabaitan at marespeto ni Rhian Ramos

MATABILni John Fontanilla PURING-PURI ng beteranang aktres na si Rita Avila ang kabaitan at pagiging marespeto ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *