Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Bureau of Immigration
Bureau of Immigration

Palakasan system umiral pa rin sa SIO promotion! (ATTN: SoJ Menardo Guevarra)

BULABUGIN
ni Jerry Yap

ANAK ng pating!

        “It’s not what you know but whom you know!”

        ‘Yan halos ang nasambit ng Bureau of Immigration (BI) employees lalo na ‘yung mga nalaglag sa latest promotion for Senior Immigration Officer (SIO).

Sa halos mag-aapat na buwang paghihintay mula nang ‘mag-return of the comeback’ si BI Personnel Chief Grifton Medina, nasilip nilang may isa o dalawang nilalang ang hindi deserving sa nasabing promotion.

Ang isa ay ‘yung parang sira-ulong mahilig magpakalat ng ‘fake news’ diyan sa BI main office at may sandamakmak na backer sa judiciary!

Sonabagan!

At ‘yung pangalawa naman ay masasabing walang kahit anong naging accomplishment sa Bureau kundi dumada at dada nang dada lang ang alam gawin sa 2nd floor.

Hindi nga raw naging hepe ng isang opisina o na-assign sa counter.

Ang puhunan lang daw nito ay magpa-charming lagi sa matataas na opisyal ng gobyerno!?

Aba SOJ Menardo Guevarra, kung ganyan rin lang daw ang resulta ng promotion ay huwag na lang idaan ang mga empleyado sa promotion process.

Selection na lang ang gawin ninyo ni Comm. Jaime ‘ninong’ Morente at hindi pa kayo mahihirapang magtanggal ng qualified applicants!

Anak ng pusa! 

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

American Bully Dog Kobe

Valenzuela LGU kinondena karumal-dumal na pagputol sa dila ng American Bully

GALIT at bibigyan ng hustisya ng Valenzuela local government unit (LGU), maging ang may-ari ng …

Patas na pasahe para sa TNVS drivers at pasahero

IKINABAHALA ng TNVS Community Philippines ang Memorandum Circular ng LTFRB na nagbababa sa surge pricing …

Bojie Dy Sandro Marcos

Speaker Dy, Majority Leader Marcos naghain ng makasaysayang Anti-Political Dynasty Bill

ni Gerry Baldo ISINASAKATUPARAN ni Speaker Faustino “Bojie” G. Dy III ang kanyang pangakong repormang …

PRC Physician Doctor Medicine

PRC Board of Medicine aprubado para sa imbestigasyon laban sa mga doktor ng Bell-Kenz

MALUGOD na tinanggap ng abogado at tagapagtaguyod ng karapatang pantao na si Lorenzo “Erin” Tañada …

fake news

Walang pasok sa 26 at 29 Nobyembre fake news — Recto

FAKE NEWS ang Memorandum Circular 47 na nagsasabing walang pasok sa mga tanggapan ng gobyerno …