Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
LJ Reyes, Gigi Hadid
LJ Reyes, Gigi Hadid

LJ ine-enjoy ang NY; Instant fan ni Gigi Hadid

KAILANGANG tulungan ni LJ Reyes ang sarili niyang mag-move on sa masakit na hiwalayan nila ng long time boyfriend niyang si Paolo Contis lalo’t may anak silang dalawang taong gulang, si Summer.

Kasa­lukuyang nasa New York City, USA si LJ kasama ang mga anak na sina Aki at Summer at tuloy pa rin ang buhay para sa mag-iina kapiling ang mama nito at walang kasiguraduhan kung kailan siya babalik ng Pilipinas.

Sa kasalukuyan ay ini-enjoy ng mag-iina ang klima sa New York dahil summer doon kaya malamang panay ang pasyal nila.

At kamakailan ay nama­taan si LJ ng mga kababayang Pinoy na dumalo sa New York Fashion Week.

Ito ang unang beses na nakita ang aktres na dumalo sa isang pagtitipon at magan­d­ang senyales iyon para mapabilis siyang makalimot.

Sa IG Story nito ay panay ang post niya ng mga nangyari sa semi-annual fashion show na isa sa inaabangan ng lahat ay ang international model na si Gigi Hadid.

Nabanggit ni LJ na ito ang unang beses niyang makadalo sa NYFW na nakita niya ang latest design ni Brandon Maxwell para sa spring/summer 2022.

Instant fan girl si LJ dahil nang rumampa na si Gigi Hadid sa stage ay kaagad niyang ipinost ang video ng sikat na modelo na ang caption ay, ”Manay Gigi ang ganda mooooo!!!!!! (bawling faces and faces with heart eyes emojis). In English, Ms. @gigihadid YOU ARE SOOOOO BEAUTIFUL!!!!”

Sa isa pang post ni LJ, ”My first #NYFW!!! (heart emoji) and it was such an eye candy!!! And can’t get over @gigihadid and these creations!”

Nakunan naman si LJ ng isang make-up brand habang kinukunan siya ng larawan at ang daming humanga sa itsura niyang brushed up wet-look hair, sleeveless dark top, loose khaki pants at smokey-eyes makeup. 

(Reggee Bonoan)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Lala Sotto MTRCB Warner

Lala Sotto, nakipagpulong sa mga kinatawan ng Disney+, Warner Bros., at HBO

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ANG Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson …

Bela Padilla Rekonek

Bela Padilla kayang mabuhay nang walang internet, tampok sa MMFF entry na “Rekonek”

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ISANG overseas Filipino worker (OFW) ang papel na ginagampanan ni …

Andrea Gutierrez Isha Ponti Rey Valera

Andrea at Isha binigyan ng kanta ni Rey Valera 

RATED Rni Rommel Gonzales NGAYONG Sabado ng gabi, December 13, magaganap ang concert nina Andrea Gutierrez at Isha …

Anthony Taberna Roselle Taberna TGC

TGC nagpasalamat sa mga kabahagi nila sa tagumpay

I-FLEXni Jun Nardo LUMAGO na ang Taberna Group of Companies kaya naman mayroon na silang sariling building …

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …