Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
PAGCOR, COA, Money
PAGCOR, COA, Money

Hit & run POGOs ‘pangalanan’

HINIKAYAT ni Senador Joel Villanueva ang  Commission of Audit (COA) at ang Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) na isapubliko at pangalanan ang 15 Philippine offshore gaming operators (POGOs) na may utang sa pamahalaan na umabot sa P1.36 bilyon.

Ayon kay Villanueva hindi dapat pabayaan ang pananagutang ng mga POGO lalo na’t malaking kapakinabangan ito sa pamahalaan kapag nakolekta.

“PAGCOR and COA should publicly name the 15 delinquent POGOs. They do not have the right to remain anonymous,” ani Villanueva, Chairman ng Senate Committee on  Labor.

Batay sa pahayag ng PAGCOR, ang lisensiya ng walo sa 15 POGO ay kanselado na, isa ang suspendido, at ang tatlo ay under review.

“For those who have swindled the government, all the more that their identities be known. For those who have closed shop and ran away with debts unpaid, then their names should be announced, not withheld,” diin ni Villanueva.

Ipinagtataka ni Villanueva, kung bakit bigo ang COA at PAGCOR na pangalanan ang delinquent POGOs na tila maituturing na ‘hit and run.’

“If names of owners of real estate with unpaid taxes are routinely published in newspapers, then why can’t the same treatment be extended to foreign gambling operators whose arrears are far bigger?” tanong ni Villanueva.

Binigyang-diin ni Villanueva, hindi barya ang utang nila kundi mahigit isang bilyong piso.

“‘Yung topnotcher, P462 million ang atraso. ‘Yung second place, P179.7 million. ‘Yung pangatlo, P174 million. These are not penny-ante money, but amounts of plunder proportions,” pagbubunyag ni Villanueva.

“PAGCOR should go after them even if they have retreated behind the Great Wall up north. Hindi dapat payagan ang ganitong hit and run,” pagwawakas ini Villanueva.  (NIÑO ACLAN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Niño Aclan

Check Also

American Bully Dog Kobe

Valenzuela LGU kinondena karumal-dumal na pagputol sa dila ng American Bully

GALIT at bibigyan ng hustisya ng Valenzuela local government unit (LGU), maging ang may-ari ng …

Patas na pasahe para sa TNVS drivers at pasahero

IKINABAHALA ng TNVS Community Philippines ang Memorandum Circular ng LTFRB na nagbababa sa surge pricing …

Bojie Dy Sandro Marcos

Speaker Dy, Majority Leader Marcos naghain ng makasaysayang Anti-Political Dynasty Bill

ni Gerry Baldo ISINASAKATUPARAN ni Speaker Faustino “Bojie” G. Dy III ang kanyang pangakong repormang …

PRC Physician Doctor Medicine

PRC Board of Medicine aprubado para sa imbestigasyon laban sa mga doktor ng Bell-Kenz

MALUGOD na tinanggap ng abogado at tagapagtaguyod ng karapatang pantao na si Lorenzo “Erin” Tañada …

Arrest Shabu

Parang kendi lang kung magbenta ng shabu sa kalye, 2 tulak nakalawit

DALAWANG personalidad na kabilang sa isinasangkot sa droga ang naaresto ng mga awtoridad sa ikinasang …