Thursday , December 18 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Kiko Estrada, Heaven Peralejo
Kiko Estrada, Heaven Peralejo

Kiko at Heaven hiwalay na

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

MAHIGIT tatlong buwan palang ang relasyon nina Kiko Estrada at Heaven Peralejo pero heto at hiwalay na sila?

Nagsimula ang tsikang hiwalay na ang dalawa nang i-unfollow ni Kiko si Heaven sa IG account nitong Setyembre 1 sabay bura ng mga larawan nila ng dalaga.

Hmm, para may katulad si Kiko sa ginawa niyang ito, he, he, he.

Anyway, isang linggo palang ang nakalilipas nang magpa-interview si Kiko kay Ogie Diaz para sa YouTube channel para ipaalam sa lahat na mahal na mahal niya si Heaven at kesyo unang beses niyang magsasalita para ipagtanggol ang dalaga sa bashers kasi nga ito ang itinuturong dahilan kaya naghiwalay ang aktor at si Devon Seron.

Nitong Agosto 13 lang ipinost nina Kiko at Heaven ang mga larawan nila na punompuno ng pagmamahal ang mga caption kasama ang fur baby nila.

Wala pang isang buwan ay naiba na ang kuwento?  Sa ganang amin ay tila si Kiko ang masyadong apektado dahil siya ang nag-unfollow at pinagbubura ang mga larawan nila ni Heaven.

At si Heaven ay hindi pa niya tinatanggal ang larawan nila ni Kiko na sabay nilang ipinost noong Agosto 13 at higit sa lahat ay pina-follow pa niya si Jason Diaz Ejercito.

Samantala, kinompirma na ni Ogie na hiwalay na ang dalawa.

Aniya sa YT channel niya kasama si Tita Jegs, ”Feeling ko wala na sila, feeling ko nag-split na sila, nag-break na sila kasi kapag nag-unfollow na si lalaki roon sa babae, wala na ‘yun.

“Naloka ako kasi kakatapos lang ang interview kay Kiko na nag-profess siya ng love niya kay Heaven na sobrang love niya, may alaga silang aso tapos hindi niya ma-imagine na may iba pang susunod na babae sa buhay niya dahil si Heaven na ang pangarap niya.

“Tapos heto in-unfollow na ni Kiko Estrada si Heaven Peralejo sa Instagram. Kahit ‘yung mga photo ay tinanggal na rin niya na naging viral din.

“Hay naku, ganyan naman talaga ang kabataan! Kumbaga i-savor mo lang ‘yung moment na kayong dalawa (pa) na happy pa kayo at kapiling at isa’t isa. Pero darating ang panahon na hindi rin pala magiging kayo na sa iba ka pala mapupunta parang sina Bea (Alonzo) at Gerald (Anderson).

“Kaya minsan dapat ipinagpapasalamat din natin ang ating nakaraan para makita natin ang ating kasalukuyan.”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Angelica Panganiban Four Sisters and a Wedding

Angelica bubog ang Four Sisters and a Wedding

SA wakas binigyang linaw na ni Angelica Panganiban ang pelikulang tinanggihan niya noon na hanggang ngayon ay …

MMFF MMDA

MMDA pumagitna pagdaraos ng advance screening ng 8 entries

PUSH NA’YANni Ambet Nabus TAMA naman ang naging solusyon ng MMDA na mangialam sa pagdaraos ng advance …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Earl Amaba Krystel Go Sylvia Sanchez Sigrid Andrea Bernardo Im Perfect

Sylvia sa I’m Perfect: Hindi namin ‘to ginawa para magpasikat

MATABILni John Fontanilla DREAM come true para sa producer ng Nathan Studios, Sylvia Sanchez na gawin ang pelikulang I’m …