Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
217 Pinoys mula Gitnang Silangan inilipad pauwi ng Cebu Pacific

217 Pinoys mula Gitnang Silangan inilipad pauwi ng Cebu Pacific

LIGTAS na iniuwi ng Cebu Pacific sa bansa ang 217 Filipino mula sa Dubai, nitong Sabado, 4 Setyembre, sakay ng special commercial flight 5J 27, bilang bahagi ng pagtugon ng airline sa panawagan ng pama­halaan na tulungang makauwi ang overseas Filipino workers (OFWs) na na-stranded dahil sa travel restriction.

Ito ang pampitong CEB-arranged Bayanihan flight na aprobado ng special working group ng pamahalaan.

Matatandaang nag­ba­ba ng travel ban sa United Arab Emirates ang pamahalaan noong Mayo upang mapigilan ang pagkalat ng CoVid-19 at mga variant nito.

Bukod sa meal at baggage allowance upgrades, nakatanggap rin ang mga pasahero ng nasabing flight ng mga regalo mula sa Universal Robina Corporation (URC).

Kailangang sumunod ng mga pasaherong sakay ng mga Bayanihan flight sa mahigpit na health protocol, kabilang ang negatibong resulta ng RT-PCR na isinagawa 48 oras bago ang flight; pre-booked na 15-day/14-night facility-based quarantine stay sa pagdating sa bansa; at panibagong swab test na isasagawa pitong araw mula sa kanilang pagbaba.

Sasagutin ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) o ng Philippine Ports Authority (PPA) ang mga gastusin sa quarantine hotel at RT-PCR test ng mga OFW sa ikapitong araw ng kanilang quarantine, samantala sasagutin nga mga returning overseas Filipinos (ROF) ang sarili nilang gastusin sa hotel at RT-PCR test.

Nakipag-ugnayan ang Cebu Pacific sa mga hotel na accredited ng Bureau of Quarantine (BOQ) upang matiyak na mayroong kaukulang pasilidad para sa mga pasaherong darating sakay ng naturang flight.

Kabilang sa mga hotel para sa Bayanihan flight ang Axiaa Hotel, Go Hotels North EDSA, Go Hotels Timog, Manila Diamond Hotel, at Marriott Hotel.

“We are grateful to be given the opportunity to continue offering our services to our kababayans at this time. We want to help the government to safely bring home more Filipinos,” pahayag ni Alex Reyes, Chief Strategy Officer ng Cebu Pacific

Mahigit 2,000 Filipino ang naihatid pauwi ng Cebu Pacific mula sa Gitnang Silangan sakay ng mga special commercial flight simula noong Hulyo.

Ang Cebu Pacific rin ang humawak sa repatriation flights na inorganisa ng Department of Foreign Affairs (DFA) na nakapag-uwi ng higit sa 1,700 Filipino mula Oman, Dubai, India, at Vietnam.

Ang Cebu Pacific ang may pinakamalawak na domestic network sa bansa na mayroong 32 destinasyon, kabilang ang walo nitong biyaheng internasyonal.

Isa sa pinakabata sa buong mundo, kabilang sa 75-strong fleet nito ang dalawang ATR freighter at isang A330 freighter.

(KARLA OROZCO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Karla Lorena Orozco

Check Also

Laoang Northern Samar PNP

Sa Laoang, Northern Samar
P.1-M cash, alahas isinauli ng nakapulot na magsasaka

PINURI ng pulisya at netizens ang isang magsasaka nang isauli ang napulot na bag na …

Maria Catalina Cabral

DPWH Ex-Usec. Cabral patay sa Tuba, Benguet

HATAW News Team PATAY ang dating opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) …

Marikina

Pamamahala sa trapiko at seguridad sa Pasko, tututukan ng Marikina LGU

BILANG paghahanda sa inaasahang pagdagsa ng mamimili at motorista ngayong Christmas season, iniutos ni Marikina …

Water Faucet Tubig Gripo

Tserman ‘di nagbayad ng bill  
Tumana residents pinutulan ng supply ng tubig

MAAARING mag-Pasko na walang tubig ang mga residente ng Barangay Tumana sa Marikina City matapos …

JV Ejercito BIR LOAs

Sen. JV Ejercito hindi pinalampas BIR hearing kahit nasa ospital

NAGAWANG makadalo sa pamamagitan ng virtual hearing si Senator JV Ejercito sa pagdinig ng Blue …