Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
shabu drug arrest

P.420-M shabu nasamsam, tulak timbog sa Tarlac

NADAKIP ng mga awtoridad ang isang pinaniniwalaang drug peddler na nakompiskahan ng kulang sa kalahating milyong pisong halaga ng hinihinalang shabu sa isinagawang anti-illegal drug operation sa lalawigan ng Tarlac, nitong Martes ng gabi, 31 Agost0.

Sa ulat mula kay P/Col. Renante Cabico, provincial director ng Tarlac PPO, nagkasa ang magkasanib na puwersa mga operatiba ng PDEU, Tarlac PPO at Tarlac City Police Station ng buy bust operation sa Road 2, San Sebastian Heights Subd., Brgy. San Vicente, sa naturang lungsod.

Nagresulta ito sa pagkakaaresto sa suspek na kinilalang si Cherry Cardenio, 49 anyos, may-asawa, residente sa nabanggit na lugar.

Nakompiska kay Cardenio ang 13 selyadong  plastic sachets na naglalaman ng hinihinalaang shabu na tinatayang may timbang na 62 gramo at may Dangerous Drug Board (DDB) value na P421,600; limang pirasong P1,000 bill na ginamit bilang marked money; digital weighing scale; at cellphone.

Inihahanda ang kasong paglabag sa Sections 5 at 11, Article II ng RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 na isasampa laban sa suspek. (MICKA BAUTISTA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Micka Bautista

Check Also

Laoang Northern Samar PNP

Sa Laoang, Northern Samar
P.1-M cash, alahas isinauli ng nakapulot na magsasaka

PINURI ng pulisya at netizens ang isang magsasaka nang isauli ang napulot na bag na …

Maria Catalina Cabral

DPWH Ex-Usec. Cabral patay sa Tuba, Benguet

HATAW News Team PATAY ang dating opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) …

Marikina

Pamamahala sa trapiko at seguridad sa Pasko, tututukan ng Marikina LGU

BILANG paghahanda sa inaasahang pagdagsa ng mamimili at motorista ngayong Christmas season, iniutos ni Marikina …

Water Faucet Tubig Gripo

Tserman ‘di nagbayad ng bill  
Tumana residents pinutulan ng supply ng tubig

MAAARING mag-Pasko na walang tubig ang mga residente ng Barangay Tumana sa Marikina City matapos …

JV Ejercito BIR LOAs

Sen. JV Ejercito hindi pinalampas BIR hearing kahit nasa ospital

NAGAWANG makadalo sa pamamagitan ng virtual hearing si Senator JV Ejercito sa pagdinig ng Blue …