Friday , November 22 2024

Mas agresibong Covid testing at contact tracing nais ni Abalos

KInalap ni Tracy Cabrera

MAKATI CITY, METRO MANILA — Sa pagbigay pansin sa pagbaba ng mga kaso ng Covid-19 sa Cebu City sanhi ng patuloy na pagpapatupad ng agresibong pagsusuri at contact tracing ng coronavirus ng Emergency Operations Center (EOC) ng lungsod, hinayag ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) and concurrent Metro Manila Council chairman Benjamin ‘Benhur’ Abalos Jr. na dapat mag-adopt na kahintulad na polisiya sa National Capital Region  (NCR) Plus, na kasama rin ang mga lalawigan  ng Cavite, Laguna, Batangas at Bulacan.

Sa nakalipas na mga linggo, sadyang nagtala sa Cebu City ang mga kaso ng Covid-19 sa 200 araw-araw at ayon sa ulat ng Department of Health Region 7 (DoH-7), nagkaroon ng 172 bagong kaso nitong Agosto 29, 2021 at 115 nang sumunod na araw. Nagsimulang bumagsak ang bilang simula noong Agosto 21.

Ayon kay Cebu City Emergency Operations Center (EOC) chief councilor Joel Garganera, ang pagbaba ng mga Covid infection sa lungsod ay bunsod ng pinaigting na pagpapatupad ng mga pandemic response measureat gayun din ng mas mahigpit na pagpapairal ng minimum health safety protocol at quarantine restriction na nakatulong sa pagpapabab a ng ngbilang ng mga kaso na umabot sa 400 noong unang bahagi ng Agosto 2021.

Hinayag ni Garganerana sa turnaround time na 24 oras, nagawa ng EOC na agarang makapagsagawa ng contact tracing ng mga index case sa pamamagitan ng kanilang mga contact tracing team na umakto na ring mga swabber na siyang kumukuha ng mga sample ng household member at ibang mga first generation contact ng mga index case. Para naman sa mga second generation contact, susuriin  lamang yaong nagpapakita ng mga sintomas.

Hinati ng EOC ang Cebu City sa lim an g bahagi—north, south, east, west at central—at nak atalaga ang mga contact tracing teams sa mga stratehikong lugar para mabilis silang makapag sasagawa ng contact tracing matapos makatanggap ng listahan  ng mga nagpositibo sa sakit.

“Our intervention is faster because they can be tested,” wika ni Garganera.

Dahil sa positibong karanasan ng Cebu City, hinihimok ng MMDA ang mga LGU sa NCR Plus area na magsagawa ng agresibong contact tracing at testing ng mga first generation contact. Idinagdag pa ni Abalos na dapat pagtuunan  ng pansin ng mga LGU ang mga lugar na marami ang lumalabag sa mga protocol.

“Close contacts must be traced and tested within 24 hours,” idiniin nito.

About hataw tabloid

Check Also

Suspek timbog sa Pampanga
LALAKING NAGKAKAPE UTAS SA BOGA NG KAKOSA

PATAY agad ang isang 55-anyos lalaki nang pagbabarilin sa bahagi ng Tanigue St., Brgy. 14, …

Knife Blood

Sa Tondo, Maynila  
CHINESE NAT’L PATAY NANG PAGSASAKSAKIN SA LOOB NG SASAKYAN

NAKAPAGMANEHO pa para iligtas ang sarili ngunit binawian din ng buhay ang isang 46-anyos Chinese …

Bong Suntay Bday

‘Birthday pasasalamat’ ni Cong. Bong Suntay dinagsa

TINATAYANG aabot sa 8,000 suporters, mga miyembro ng kanyang pamilya at kaibigan, gayundin mula sa …

2 dating kaalyadong politiko ni Mayor Vico Sotto bumaliktad

DESMAYADO na ang dalawang dating mga kaalyadong politiko ni Pasig City Mayor Vico Sotto at …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *