Wednesday , December 25 2024
Bulacan Police Provincial Office, PNP PRO 3
Bulacan Police Provincial Office, PNP PRO 3

20 pasaway nasakote sa Bulacan PNP anti-crime operations

PINAGDADAMPOT ng mga awtoridad ang 20 kataong pawang lumabag sa batas matapos magsagawa ng operasyon laban sa krimen sa lalawigan nitong Martes, 31 Agosto.

Sa pagkilos ng mga tauhan ng Station Drug Enforcement Units (SDEU) ng Norzagaray, San Miguel, at San Jose Del Monte, nadakip ang limang drug personalities na kinilalang sina Manuel Bonifacio at Camilo Ocampo, alyas Camelo, kapwa ng Brgy. Kaypian, SJDM; Albert Bartolome ng Brgy. Minuyan Proper, SJDM; Mark Niño Tumandao ng Brgy. Tigbe, Norzagaray; at Crispin Lacanilao, alyas Ingpin ng Brgy. Tigpalas, San Miguel.

Nakuha ng pulisya mula sa mga suspek ang kabuuang 13 pakete ng hinihinalang shabu, coin purse, at buy bust money.

Samantala, nadakip din ang 13 suspek sa iba’t ibang operasyong inilatag laban sa sugal na ikinasa ng magkasanib na elemento ng 2nd Provincial Mobile Force Company (PMFC), Baliwag MPS, Criminal Investigation and Detection Group (CIDG), at Sta. Maria MPS.

Nakorner ang walo sa mga suspek habang nasa kainitan ng pagsusugal ng tong-its, at naaktohan ang limang iba pa nna ginawang sugal ang paglalaro ng pool.

Samantala, huli sa akto ang suspek na kinilalang si Ruel Balangbang na nagtatapon ng mga basura (collected domestic, industrial, commercial and institutional wastes) at kinasuhan ng paglabag sa RA 9003 o Ecological Solid Waste Management Act dahil walang maipakitang dokumento o DENR trip ticket.

Nasukol ang suspek na kinilalang si Danna Ocbian ng Brgy. Batia, Bocaue, sa kasong Qualified Theft sa Coke Avenue, FBIC Compound, Brgy. Tikay, sa lungsod ng Malolos.

Pahayag ni P/Col. Lawrence Cajipe, hindi tumitigil ang Bulacan police sa matinding kampanya sa lahat ng uri ng krimen sa lalawigan sang-ayon sa direktiba ni PRO 3 Regional Director P/BGen. Valeriano De Leon. (MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

Robin Padilla Cannabis Marijuana

Robin iginiit benepisyong medikal na makukuha sa cannabis

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio MASIGASIG si Sen. Robin Padilla sa pagsusulong ng medical cannabis dahil naniniwala …

Zamboanga del Norte

Supplemental budget nakabinbin
OPS NG PROV’L AT DISTRICT HOSPITALS, IBANG PAGAWAING BAYAN SA ZAMBO DEL NORTE POSIBLENG MATIGIL — GOV. NENE

ITO ang malalim na laman ng pahayag ni Governor Jalosjos sa media makaraang sumulat sa …

SMC Toll Fee

Bilang pasasalamat sa mga motorista
BAYARIN SA EXPRESSWAY KAKANSELAHIN NG SMC SA BISPERAS NG PASKO AT BAGONG TAON

NAKATAKDANG kanselahin ng Conglomerate San Miguel Corporation (SMC) ang mga bayarin para sa expressway network …

SM Krus na Ligas 1

Promoting wellness and enhancing healthcare delivery
SM Foundation upgrades vital Quezon City community health center

Refurbished by SM Foundation, Krus Na Ligas Health Center caters to over 73,000 residents of …

Manila Honey Lacuna Yul Servo Nieto

Mayor Honey, VM Yul, Asenso Manileño Team namahagi ng Christmas gift boxes para sa Senior Citizens ng Maynila

NAMAHAGI ng Christmas gift boxes sina Mayor Honey Lacuna – Pangan, Vice Mayor Yul Servo …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *