Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Janno Gibbs, Rose Van Ginkel, Maui Taylor

Janno umamin: Nakipagrelasyon sa isang tibo

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

UKOL sa lesbian couple ang istorya ng bagong handog ng Viva Films, ang 69+1 na pinagbibidahan nina Janno Gibbs, Rose Van Ginkel, at Maui Taylor na idinirehe ni Darryl Yap kaya naman natanong ang actor kung nagkaroon na ba siya ng relasyon sa isang tomboy.

Pag-amin ni Janno, ”Oo, binata pa ako. Iba kasi ako ‘yung first niya eh so before me, lesbian talaga siya. So ako ‘yung first experience niya and then ngayon nababalitaan ko lesbian ulit siya.”

Kuwento ni Janno, hindi niya alam na lesbian ang karelasyon niya noon.

“Noong naging kami hindi ko alam na lesbian siya eh. At saka ko na lang nalaman later on,” anang actor.

Bukod dito, inamin din ni Janno na naimbitahan na rin siyang makipag-threesome tulad ng ginawa o nangyari sa kanilang pelikula.

“Noong bata ako mayroong nagyaya. Hindi natuloy. Pero kung dapat ba gawin that’s the choice of the couple na. Nasa sa inyo na ‘yun kung talagang gusto niyo to spice things up,” pagbabahagi ni Janno.

Pero sa totoo lang, sinabi ni Janno na hindi siya ganoon ka-liberated tulad ng role na ginagampanan niya sa pelikula, na sumama nang imbitahan ng lesbian couple (Maui at Rose Van) na mag-threesome para i-celebrate ang kanilang 7th annibersary.

Kinabahan pala si Janno nang una niyang mabasa ang script bukod sa ngayon lamang niya nagawa ang ilang daring scenes sa dami ng pelikulang nagawa niya.

“Kinabahan ako kasi aside from the entire theme, ‘yung mga scene marami rito hindi ko pa nagagawa sa iba kong movies,” sambit pa ni Janno.

Sinabi pa ni Janno na may mga eksena siyang sobrang-challenge tulad ng ilang sexy scenes niya kina Maui at Rose Van. “’Yung sensual scenes namin tatlo together and ‘yung shower scene. Aside from that, challenge was to show a different Janno Gibbs. Medyo toned down ng kaunti from ‘Pakboys.’ I had to balance comedy with a serious note,” pag-amin pa ni Janno.

Mapapanood na ang 69+1 sa September 3 sa Vivamax. Puwede itong i-download at mai-subscribe sa pamamagitan ng Google Play Store, App Store, at Huawei AppGallery. 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

BINI Jhoanna Puregold The Witness

BINI Jhoanna tampok sa isang cameo role sa pasasalamat ng Puregold sa mga may-ari ng sari-sari store

IPINAGPAPATULOY ng Puregold ang pasasalamat sa mga may-ari ng sari-sari store o maliliit na negosyante sa serye …

Fifth Solomon Joseph Marco Rhen Esçan̈o

Direk Fifth aarte muli basta maganda ang proyekto  

MATABILni John Fontanilla HANDA pa ring umarte sa mga teleserye o pelikula  si direk Fifth Solomon. Matagal-tagal …

Alden Richards Nadine Lustre

Alden excited makatrabaho si Nadine 

MATABILni John Fontanilla MASAYA si Alden Richards na makakatrabaho si Nadine Lustre. Anang actor, isa si Nadine sa …

Ai Ai delas Alas Empoy Marquez

Ai Ai ayaw manira ng masayang pamilya

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez “AYAW kong manira ng masayang pamilya!” Ito ang iginiit ni Ai Ai delas …

Vic del Rosario Ricky del Rosario

Kapatid ni Boss Vic na si Ricky ngayong araw ang libing

I-FLEXni Jun Nardo PUMANAW na ang nakababatang kapatid ni Boss Vic del Rosario ng Viva Group of Companies na …