Friday , January 30 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Liza Diño, FDCP, Philippine Film Industry Month
Liza Diño, FDCP, Philippine Film Industry Month

FDCP Chair Liza Diño, nanguna sa selebrasyon ng 1st Philippine Film Industry Month

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

IPINAHAYAG ni Film Development Council of the Philippines (FDCP) Chairperson and CEO Liza Diño na ngayong September gaganapin ang unang selebrasyon ng Philippine Film Industry Month na may temang “Ngayon Ang Bagong Sinemula.”

Ito ay base sa pinirmahan ni President Rodrigo Duterte na Proclamation 1085 na nagdedeklara sa buwan ng September bilang Philippine Film Industry Month.

Wika ni Chair Liza sa ginanap na zoom mediacon, “On February 3, 2021 President Rodrigo Duterte has signed a proclamation declaring the month of September as the Philippine Film Industry Month to recognize the invaluable contribution and sacrifices of all stakeholders and sectors of the film industry, emphasizing the need to showcase and celebrate the achievements and progress of the discipline of film and filmmaking.”

Buwan ng Setyembre, (Setyembre 12, 1919 to be exact) unang ipinalabas sa Teatro de la Comedia ang silent film na Dalagang Bukid na pinagbidahan ni Atang de la Rama at pinamahalaan ni Jose Nepomuceno. Kaya itinuturing ito bilang araw ng kapanganakan ng pelikulang Filipino.

Ang naatasang mamuno sa naturang proklamasyon ay ang FDCP. Ang tanggapan ni Chair Liza na nilikha thru Republic Act 9167, ay may mandato na magsagawa ng inisyatiba na magpapalaganap sa pagsibol at pagpapaunlad ng lokal na industriya ng sinema, gayondin ang pagtatatag, pag-oorganisa, pagpapatakbo, at pagpapanatili ng local and international film festivals, exhibitions, at iba pang katulad na aktibidad o gawain.

Ang proklamasyon ay nagtatalaga rin sa FDCP na kilalanin ang mga programa, proyekto, at aktibidad para sa pagdiriwang ng Philippine Film Industry Month

Sa September 1, na opening ng Philippine Film Industry Month ay mapapanood sa FDCP Facebook pages at Youtube Channel. Ipakikita rito ang launch ng Nood Tayo ng Sine Campaign at iba pang mahalagang anunsiyo mula sa International Film Industry Conference (IFIC), First Cut Lab Philippines (FCL PH), FDCP FilmPhilippines Incentives Program, at Mit Out Sound: International Silent Film Lab.

Ang isa sa magandang narinig namin sa naturang zoom mediacon ang planong pagbubukas ng sinehan sa bandang November. Ito ang parang magiging initial salvo sa posibleng tuluyang pagbubukas ng mga cinema, hanggang sa, hopefully, sa annual Metro Manila Film Festival sa December na pinakaaabangang event ng mga Pinoy film enthusiasts.

Anyway, maraming aktibidad para sa Philippine Film Industry Month celebration at isa sa highlight nito ang by-invitation Philippine Film Industry Gala sa Setyembre 12, 2021 sa Manila Metropolitan Theater (MET), with strict adherence to safety and health protocols. Ang highlight nito ay ang pagpapalabas ng restored version ng pelikulang Dalagang Ilocana (1954), na pinagbidahan ni Gloria Romero at idinirek ni Olive La Torre.

Bago ito, mayroong book launch ng 3:00 pm at ilulunsad ang Elwood Perez Retrospective.

Sa September 30, ay closing ng event at magkakaroon ng virtual ceremony para sa recap ng month-long activities ng pagdiriwang ng Filipino film industry tampok ang awarding ng Sine Kabataan at Sine Isla: LuzViMinda winners, launch ng revamped FDCP Website, relaunch ng FDCP Channel, announcement ng CreatePHFilms Cycle 1 projects, at opening ng CreatePHFilms Cycle 2.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

BINI Jhoanna Puregold The Witness

BINI Jhoanna tampok sa isang cameo role sa pasasalamat ng Puregold sa mga may-ari ng sari-sari store

IPINAGPAPATULOY ng Puregold ang pasasalamat sa mga may-ari ng sari-sari store o maliliit na negosyante sa serye …

Fifth Solomon Joseph Marco Rhen Esçan̈o

Direk Fifth aarte muli basta maganda ang proyekto  

MATABILni John Fontanilla HANDA pa ring umarte sa mga teleserye o pelikula  si direk Fifth Solomon. Matagal-tagal …

Alden Richards Nadine Lustre

Alden excited makatrabaho si Nadine 

MATABILni John Fontanilla MASAYA si Alden Richards na makakatrabaho si Nadine Lustre. Anang actor, isa si Nadine sa …

Ai Ai delas Alas Empoy Marquez

Ai Ai ayaw manira ng masayang pamilya

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez “AYAW kong manira ng masayang pamilya!” Ito ang iginiit ni Ai Ai delas …

Vic del Rosario Ricky del Rosario

Kapatid ni Boss Vic na si Ricky ngayong araw ang libing

I-FLEXni Jun Nardo PUMANAW na ang nakababatang kapatid ni Boss Vic del Rosario ng Viva Group of Companies na …