Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Jasmine Curtis-Smith, Bea Alonzo, Alden Richards
Jasmine Curtis-Smith, Bea Alonzo, Alden Richards

Bea sasaklolohan ang ‘di magandang ratings ng serye nina Alden at Jasmine

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

SITSIT ng aming source, may pagbabagong gagawing script ang seryeng The World Between Us nina Alden Richards at Jasmine Curtis-Smith kaya naka-season break sila.

Ang paliwanag kaya naka-season break ay dahil wala silang bangko at hindi nakapag-taping ng marami dahil nga inabutan ng lockdown dahil isinailalim sa ECQ ang NCR kamakailan. At ngayong MECQ na ay hindi pa rin bumalik sa taping ang serye.

At sabi sa amin, “may dagdag kasi sa script, ipapasok ang karakter ni Bea (Alonzo). Medyo hindi maganda ang resulta, parang nakukulangan sa tambalan nina Alden at Jasmine.”

Ay ganoon? Eh, ‘di mauuna palang magsama sina Alden at Bea sa serye at hindi sa pelikulang ipo-produce ng GMA Films, Viva Films, at APT Entertainment?

Sabagay, pumirma naman na ang aktres sa Kapuso Network na gagawa siya ng teleserye.

Bukas ang HATAW sa panig ng GMA tungkol dito.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …