Friday , January 9 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Taya, AJ Raval, Sean De Guzman, Angeli Khang, Jela Cuenca
Taya, AJ Raval, Sean De Guzman, Angeli Khang, Jela Cuenca

AJ nagbaon ng peanut butter sa kangkangan nila ni Sean

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

KA-TAYA-TAYA naman pala talaga si AJ Raval sa pelikulang Taya dahil sa inosente ang dating niya sa amin kahit na ang karakter niya ay pokpok dahil siya ang pinapa-premyo sa online ending.

Kaya hindi kami magtataka kung na-in love na sa kanya ang leading man niyang si Sean De Guzman na ibinuking nila ang sarili na close sila sa nakaraang mediacon ng Taya.

Una naming napanood si AJ sa Death of a Girlfriend kasama si Diego Loyzaga na idinirehe ni Yam Laranas handog ng Viva Films at kaagad naming napansin ang itsura niyang bata pero bulgar ang mga salitang ginamit na nagbase sa script.

Iba naman ang karakter niya sa Taya base sa napanood naming advance screening nitong Miyerkoles thru KTX.ph kasama ang rumored boyfriend niyang si Sean na idinirehe ni Roman Perez, Jr mula ulit sa Viva Films.

Hindi na namin mabilang kung pang-ilang pelikula na ni Sean ang Taya mula ng mapanood namin siya sa Anak ng Macho Dancer at napapansin namin na gumagaling siya sa bawat karakter niya lalo’t iba’t ibang direktor na ang nakakatrabaho niya.

Aliw kami sa mga eksenang ini-imagine ni Sean ang mga babaeng gusto niya dahil talagang hindi niya napipigilan ang sarili kahit nasaang lugar siya ay naabot niya ang kasiyahan.

Matindi ang sex scenes nila pero hindi naman bastos dahil maganda ang mga shot ni direk Roman lalo na ‘yung unang nagniig sina Sean at AJ na pareho namang nakabalot ng kumot at aliw ang eksena dahil gigil na gigil na ang aktor ay tila walang nararamdaman ang aktres kaya lumabas na hindi siya satisfied.

Pero na in love si AJ kay Sean dahil naramdaman nitong mahal siya ng binata at hindi katawan lang ang gusto. Kaya kahit na delikado ang buhay niya sa sindikatong nagpapatakbo ng online betting ay sumama siyang magtanan.

Hindi naman ipinakita kung kusang iniwan ni AJ si Sean o binawi siya ng sindikato at iniligpit na dahil hindi naman na siya ipinakita sa ending kundi imahinasyon na lang ng binata kunwari na magkasama sila pero ibang babae ang kaniig niya.

Anyway, maganda ang kuwento ng Taya at bagay ito sa mga mahilig tumaya sa online lalo na kung katulad at kamukha ni AJ ang premyo, tiyak na maaadik ka tulad ng nangyari kay Sean pero nakatatakot din dahil may consequences ito.

Hindi lang si AJ ang palaban sa mga maseselang eksena kasama rin ang mga bagong sexy star ng Viva na sina Angeli Khang at Jela Cuenca na marunong ding umarte at naniniwala kaming mahahasa rin sila tulad ng dalawang bida sa Taya.

Teka, mahilig nga kaya talaga si AJ sa peanut butter? At ano kaya ang naramdaman ni Sean sa eksenang dinidilaan siya ng dalaga dahil dito? Sayang walang interview pagkatapos ng screening.

Anyway, mapapanood na ngayong araw, Agosto 27 ang Taya sa ktx.ph, iWantTFC, TFC IPTV at Vivamax. Kasama rin sa pelikula sina Soliman Cruz, Mon Confiado, Pio Balbuena, at Raul Morit.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Lala Sotto MTRCB

Sa pamumuno ni Chair Lala Sotto, MTRCB nakapagribyu ng 172,000 na materyal noong 2025; isinumiteng mga pelikula umangat sa 13.34%

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAKAPAG-REVIEW ang Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB), …

Beauty Gonzalez

Beauty certified yoga instructor na

I-FLEXni Jun Nardo MATAPANG, bumiyahe mag-isa si Beauty Gonzales, huh! Ginawa niya ‘yan nang pumunta siya …

Robi Domingo John Lloyd Cruz

John Lloyd at Robi muntik daw magsuntukan sa kasal nina Zanjoe at Ria

MA at PAni Rommel Placente HOW true na muntik na raw magsuntukan sina Robi Domingo at John Lloyd …

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …