Saturday , May 24 2025
Angeli Khang

Angeli nag-level up ang acting

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

MAS nagustuhan pa ni Direk Mac Alejandre ang ugali ni Angeli Khang tungo sa pagtatrabaho nito. Unang nagkatrabaho sina Direk Mac at Angeli sa Silip Sa Apoy ng Viva Films at ngayon ay sa Wag Mong Agawin Ang Akin na bukod kay Angeli pinagbibidahan din nina Jamilla Obispo, Felix Rocco, Aaron Villaflor at marami pang iba. Mapapanood ito sa July 31 sa Vivamax.

Ani Direk Mac sa isinagawang virtual mediacon, mas aware na ngayon si Angeli sa mga kakayahan niya. “Mas aware na ngayon si Angeli sa kanyang craft  at mas sensitive siya sa paligid niya, sa mga tao, sa ginagawa niya in connection sa craft niya kaya naman makikita mo ang pagganap niya patuloy na lumalawig.

“I cannot say  na malaki o maliit ang improvement (acting) ang mahalaga naisasapuso niya ang ginagawa niya. Mas masusi ang kanyang pag-aaral sa mga character na pino-portray niya at damang-dama ko ang sipag sa trabaho niya. 

“Sa tingin ko ‘yun ang mahalaga at hindi lang kay Angeli ko ‘yun nakita, lahat sa cast  lalo’t higit sa mga first time kong nakatrabaho tulad nina Jamilla, Felix, at Aaron at  iba pa.” ani direk Mac nang matanong kung gaano na kalaki ang in-improve ni Angeli sa acting.

Samantalaaminadosi Angeli na umaasa siyang mapapansin na ang galing niya sa pag-arte  ngayong unti-unting nagle-level-up ang mga ginagawa niyang pelikula o series. 

“Oo sana mapansin na talaga. Kais si direk Mac ‘yan at alam ko na hindi siya naglalabas ng movie o series na walang kuwento and I’m proud of our series, my first.”

Umaasa rin si Angeli na makagagawa rin siya sa ibang genra.

I hope so yes, and I really seen myself fashionate to my work and kung saan man ako dalhin ng career ko I’m happy.”

Ang Wag Mong Agawin Ang Akin ay ukol sa isang babaeng kinailangang ibenta ang sariling katawan sa murang edad para mabuhay at isang babaeng biktima ng pang-aabuso. Dalawang babaeng dumanas ng sakit sa kamay ng mga kalalakihan ang natutong makipaglaro. Dalawang babaeng pinagdugtong ng isang sikreto – pareho sila ng lalaking minamahal. Pero may isang mas malaking sikretong gugulat sa kanilang dalawa.

Inihahandog ng VIVA TV ang pinakaagaw pansin na adult drama. Sundan ang kuwento nina Jasmine, Christine, at Tom sa  mula sa direksyon ni Alejandre, ang respetadong direktor na siya ring naghatid ng Silip Sa Apoy na pasok sa Top 5 Vivamax original movies dahil sa million views.  

Ginaganapan ni Angeli si Jasmine, isang escort na may mataas na pangarap sa buhay.  Si Jamilla  naman ay si Christine, ang big boss ng Prima. Si Felix naman ay si Tom, marketing officer ng Prima at secret boyfriend ni Christine. 

Si Angeli ngayon ang itinuturing na “Queen” ng Vivamax dahil sa mga pelikula niyang Taya, Silip sa Apoy, atMahjong Nights na hindi nawawala sa Top 5 highest views. Si Jamilla naman ay nakilala sa 2011 erotic movie na X-Deal at kamakailan ay bumida sa sexy thriller series na Iskandalo. Si Felix, na nakakuha ng FAMAS award para sa pelikulang Angela Markado ay napanood natin sa hit Vivamax originals na Secrets at  Kaliwaan. (MVN)

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Binibining Pilipinas 2025

2025 Binibining Pilipinas iniharap sa media

PATULOY na umiinit ang 61st Binibining Pilipinas (Bb) Pageant sa pagrampa ang mga Binibini sa …

Jojo Mendrez Willie Revillame

‘Libre Na ‘To ni Jojo Mendrez patok na patok, iniintrigang ayaw mag-ala Willie Revillame?

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio PATOK na patok na ngayon at pinag-uusapan nang marami ang …

Billy Crawford Nadine Lustre Janno Gibbs Arthur Nery Pops Fernandez

Billy gem na makatrabaho sina Nadine, Janno, Arthur, at Pops

SI Billy Crawford ang host ng programa at kasama niya ang all-star at powerhouse na bagong panel …

Encantadia Chronicles Sanggre

Character teasers ng Sanggre pinag-uusapan

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SA nalalapit na pagsisimula ng Encantadia Chronicles Sang’gre ay sunod-sunod nang ipinakita ang …

Dolly de Leon Vilma santos

Dolly de Leon pinaghahandaan project kasama si Vilma

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BONGGA si Dolly de Leon ha. Bukod sa kanyang bonggang role sa Hollywood …