Wednesday , June 24 2026
The Juans Araneta

The Juans concert sa Araneta tuloy na tuloy na 

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

TIYAK na marami ang matutuwa sa mga naghihintay at fans ng The Juans dahil tuloy na tuloy na ang kanilang concert sa Oktubre 23, na gagawin sa Araneta Coliseum. 

Sa ginanap na media conference kamakailan sa SkyDome masayang ibinalita ng tinaguriang Ultimate Hugot Band na makakapag-perform na sila sa harap ng kanilang milyon-milyong fans.

“It will be a fusion of film and musical theater, the ultimate. May bida at kontrabida rin sa istorya ng concert,”panimula ni Carl.

Ang The Juans ang kumanta ng ugot song na Hindi Tayo Pwede na naging daan para makilala ang kanilang grupo sa music industry. Ang awiting ito ang nagpabago sa kanilang buhay at sa lahat ng mga broken-hearted at nawalan ng tiwala sa pag-ibig.

We also want to continue to inspire people with our show. We want to relate and validate feelings of other people because we all felt it, the separation, the heartbreak.

“We want to tell them that after hugot, there is hope and healing,” sambit pa ni Carl.

Ilan sa mga hit song ng grupo ay ang Dulo, Hatid, Teka Muna, at Istorya. 

Ang The Juans Araneta concert ay magaganap sa sa Oct. 23, 2022 at ito ay handog ng Viva Records at Wish 107.5 FM at presented ng KDR Music. Ang VIP ticket ay mabibili sa halagang P5,000; Patron A—P3,500; Patron B—P3,000; Lowerbox A—P2,500; Lowerbox B—1,500; Upperbox—P800; at GenAd—P500.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

17th PMPC Star Awards for Music

Walong personalidad tatanggap ng award sa 17TH PMPC Star Awards for Music

MATABILni John Fontanilla WALONG personalidad mula sa iba’t ibang larangan ang gagawaran ng special awards …

Sheena Halili Baby Family

Sheena excited sa ikatlong baby

MATABILni John Fontanilla MASAYANG-MASAYA ang Starstruck alumni na si Sheena Halili sa paglaki ng pamilya nila ni Jeron Manzanero, ang guwapo …

BJ Forbes Kara David

BJ Forbes na-depress, nawalan ng bahay

MA at PAni Rommel Placente SA interview sa kanya ni Kara David, naikuwento ng dating child …

Bayani Agbayani John Lloyd Cruz Ellen Adarna Rufa Mae Quinto

John Lloyd at Ellen bibida sa isang sitcom sa GMA

MA at PAni Rommel Placente IBINALITA ni Bayani Agbayani sa isang interview, na may gagawin siyang sitcom …

Isha Ponti

Isha Ponti walang itulak kabigin sa mga kanta sa Likas

HARD TALKni Pilar Mateo AUSPICIOUS day. A Palindrome 620206. At ika -20 taon ng kanyang …