Saturday , November 16 2024
PDP-LABAN, Rodrigo Duterte, Sara Duterte, Bong Go
PDP-LABAN, Rodrigo Duterte, Sara Duterte, Bong Go

Go-Duterte, PDP-Laban, sinopla ni Sara

NANAWAGAN si Davao City Mayor Sara Duterte sa kanyang amang si Pangulong Rodrigo Duterte at sa ruling party PDP-Laban na huwag siyang gamiting dahilan sa pagpapasya kung itutuloy ang kandidatura sa halalan sa 2022.

Kinompirma ni Sara sa isang kalatas na inamin sa kanya ng Pangulo ang pagtakbo bilang vice president at si Sen. Christopher “Bong” Go ang kanyang running mate.

Dalawang sulat pa aniya ang ibinigay sa kanya ng ama para pagpilian, ang isa ay para iendoso ang Go-Duterte tandem at ang isa pa’y kunin niya bilang running mate si Go.

“I respectfully advise them to stop talking about me and make me the reason for them running or not running,” sabi ni Sara.

“I strongly suggest to the President and Senator Go to own up publicly [to] their decision to run as a tandem. If they can confirm it privately, then I do not see the reason why they cannot be candid about it to the public,” giit niya.

Binigyan diin ng alkalde, hindi siya “last two minutes person” na pahaging sa puwede siyang maging substitute presidential candidate para sa 2022 polls gaya ng ginawa ng kanyang ama noong 2016 elections.

“I think, I organize, and I implement accordingly. In the meantime, I refuse to be a political punching bag for a party in complete disarray,” aniya na tumutukoy sa PDP-Laban na ang isang paksiyon, ang kanyang ama ang presidente, ay nagtutulak sa Go-Duterte tandem.

Hinimok din niya ang isa pang paksiyon ng PDP-Laban na pinamumunuan nina Sen. Aquilino “Koko” Pimentel III at PDP-Laban secretary general Ron Munsayac na tigilan ang paninisi sa kanya sa nakalulungkot na kalagayan ng kanilang partido.

“It is not my fault that no one among you is a leader worthy of the respect of the majority. Do not blame me for the sitcom that your party has been reduced to,” ani Sara patungkol kina Pimentel at Munsayac.

Kinuwestiyon ni Pimentel ang pagsali sa kanya sa pahayag ni Sara dahil ang iringan sa PDP-Laban ay internal dispute.

“I never dragged an outsider into our internal dispute or blamed an outsider for the internal dispute or for causing the internal dispute. Our internal dispute has been caused by someone from the inside,” sabi ni Pimentel.

“That an outsider is being considered as the presidential candidate by an insider is not the fault of the person being mentioned but the fault of the insider who lacks faith, confidence and loyalty to his Party and the talent and skills of the Party members,” dagdag ni Pimentel. (ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

Bamboo Kawayan

Pamangkin hinamon ng duwelo , Tiyuhin patay sa palo ng kawayan

BINAWIAN ng buhay ang isang 55-anyos na lalaki matapos ilang ulit paluin sa ulo ng …

DOST Teams Up with Wadhwani Foundation to Accelerate Filipino Innovation

DOST Teams Up with Wadhwani Foundation to Accelerate Filipino Innovation

THE Department of Science and Technology (DOST) and the Wadhwani Operating Foundation have signed a …

Artist Lounge Talents MultiMedia Inc

Artist Lounge Talents MultiMedia Inc. inilunsad

MATAGUMPAY ang grand launching ng Artist Lounge Talents MultiMedia Inc., na ginanap last November 10 sa Activity …

Robin Padilla West Philippine Sea WPS

Para sa impormasyon tungkol sa West Philippine Sea
SEN. ROBIN, PCG GAGAWA NG PELIKULANG ANTI-FAKE NEWS

MAY pinaplanong sine si Sen. Robinhood “Robin” C. Padilla para maghatid ng tamang impormasyon sa …

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *