FACT SHEET
ni Reggee Bonoan
BUONG pagmamalaking ipinost ni Janine Gutierrez ang tropeong natanggap niya sa katatapos na New York Asian Film Festival para sa pelikulang Dito at Doon bilang Rising Star produced ng TBA Studios na idinirehe ni JP Habac.
Hawak ni Janine ang pure glass trophy na nasa Instagram account niya na ang caption, ”Happy girl hank you so much to the @newyorkasianfilmfestival for the Rising Star Award so grateful for your support of Filipino films and creatives, for sharing your platform and getting our stories out into the world.
“Thank you to my @tbastudiosph family, @palasyonidaphne, @lexterfavor, @omardarling, Direk @jphabac, @j.c.santos, @victoranastacio, @yeshburce, the writers @alexgonzales23 @kristinpbarrameda and everyone behind Dito at Doon. our little lockdown film is so special to me at mas special pa na maraming naka-relate kay Len at Caloy at sa walang sawang ECQ as we kept saying nu’g press days namin for the film, sana magsilbi itong paalala na kung ano pa man ang pinagdadaanan mo, hindi ka nag-iisa
“This award is especially for everyone who has supported Filipino films despite cinemas being closed for a year and a half now. Hindi madali pero andito ka. Sa mga bumibili ng ticket online, sumusuporta sa mga streaming sites at naglalaan ng oras para sa mga virtual premiere – salamat. thank you for supporting the industry and everyone who works in it. you mean everything to us. thank you for coming with us on this journey.
“Looking forward to sharing Dito at Doon / Here and There with more of you as we hit @netflix worldwide on September 2!! see you there.
“Lastly, I feel like part of this recognition is also because Babae at Baril was part of the #NYAFF last year. forever grateful to team Babae.”
Magandang regalo rin ito ni Janine sa kaarawan ng kanyang Mamita Pilita Corrales nitong Linggo, Agosto 22 sa edad na 83.
Caption ng panganay na apo ni Ms Pilita sa mga old and new photos na ipinost nito sa IG account niya, ”I count my lucky stars every day that you are in my life my north star the greatest I love you so much, mamita. and that is an understatement. happy birthday.”
Mula sa HATAW, maligayang kaarawan po sa ating Asia’s Queen of Songs, Ms Pilita.