Sunday , November 3 2024
Paolo Contis, Yen Santos, Hans Tórgarð, A Faraway Land

A Faraway Land nina Paolo at Yen nanguna sa Netflix Philippines

KITANG-KITA KO
ni Danny Vibas

KAPAG nagpatuloy pa sa pangunguna sa kita sa Netflix Philippines ang A Faraway Land nina Paolo Contis at Yen Santos, malamang na  gayahin ang mistulang “gimmick” na misteryosong pagsi-zero following nila sa respective Instagram nila.  

Naganap ang misteryosong pag-i-erase ng followers nila sa respective IG account nila ilang araw bago magsimulang ipalabas ang pelikula sa streaming ng Netflix. 

Nanguna na sa Top 10 ang pelikula noong Agosto 20, Biyernes ng gabi, ‘di lang sa Pilipinas kundi pati sa Qatar at sa United Arab Emirates. 

Noong Agosto 19, Huwebes, nag-umpisang mag-streaming sa Netflix ang nasabing pelikula. 

“WOW!” bulalas ni Yen nang i-repost sa Facebook ang magandang balita.

Simple lang ang istorya ng A Faraway Land, pero kumukurot sa puso.

Ayon naman kay katotong Gorgy Rula ng PEP Troika, tatlong laugh emoji lang ang sagot sa kanya ni Paolo Contis nang i-forward nito sa aktor na number 1 ang kanyang pelikula.

Biniro pa niya si Paolo na siya na talaga ang Netflix King ng Pilipinas.

Pero hindi na sumagot ang aktor noong tinanong siya kung nakatulong nga ba ang isyu nila ng misis niyang si LJ Reyes.

Hindi naman siguro nila gustong nagamit ang isyu nila ni LJ para ma-promote lang ang A Faraway Land.

Marami pang nakatakdang gawin si Paolo na pelikulang kukunan sa ibang bansa. May naka-line up siyang project na kukunan sa Switzerland gayundin sa Italy.

Nagpapasalamat ang aktor dahil tinatanggap ang suggestions niya para lalong mapaganda ang pelikula.

Sa isang isla sa Greenland kinunan ang pelikula. Faroe Islands ang pangalan ng lugar. 

Oo nga pala, number 2 sa Netflix Philippines ang Kapamilya teleseryeng The Law of Revenge (Ang Sa Iyo Ay Akin).

Noong Agosto 5 nag-umpisang mag-streaming ang nasabing teleserye nina Iza Calzado, Jodi Sta. Maria, at Sam Milby.

Wow na wow! Ang #1 at #2 ngayon sa Netflix Philippines, parehong gawang Pinoy!

As we write this, ang iba pang nasa Top 10 ng Netflix Philippines ay Nevertheless (#3), The Good Doctor (#4), Black Island (#5), Beckett (#6), Assassin’s Creed (#7), The Girl Next Door (#8), The Kissing Booth Part 3 (#9) at Hospital Playlist (#10).

Sa Seryembre 2 mag-uumpisa ang Netflix streaming ng pelikulang Here and There (Dito at Doon) nina Janine Gutierrez at JC Santos.

About Danny Vibas

Check Also

Kris Lawrence PMPC Star Awards for Music

Kris Lawrence  pinasalamatan mga taong sumuporta sa 18 taon ng career

MATABILni John Fontanilla NAGBALIK-TANAW at pinasalamatan ng R&B Prince of Pop Kris Lawrence ang mga taong naging …

Kathryn Bernardo Zimomo dolls

Kathryn ‘di nagpahuli Zimono dolls idinispley 

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY na rin ang aktres na si Kathryn Bernardo sa doll craze nang idispley …

Vilma Santos

Ate Vi sa kanyang kaarawan: malusog na katawan at mahabang buhay 

HATAWANni Ed de Leon SA Linggo pa naman iyon, pero gusto na naming ipaabot ang …

Julia Anne San Jose Tanduay

Julie Anne obra maestra para kay Rayver, suportado pagiging GSM Calendar girl

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio MALA-CONCERT ang isinagawang paglulunsad sa tinaguriang Asia’s Limitless Star, Julie Anne …

Vina Morales

Vina tutok muna kay Ceana at sa career, pahinga muna ang puso

RATED Rni Rommel Gonzales NAGPAPAHINGA raw ang puso ngayon ni Vina Morales. Kuwento ng aktres/singer nang …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *