Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Maui Taylor Rose van Ginkel 69+1
Maui Taylor Rose van Ginkel 69+1

Maui ‘di nag-atubiling suportahan si Rose Van

KITANG-KITA KO
ni Danny Vibas

MABUTI naman ibinabalik ng mga kompanyang gaya ng Viva Films ang dating lead stars nila at isinasama sa mga bagong bituin ng kompanya. Ineengganyo ng comebacking stars ang young stars na maging outspoken sila tungkol sa karapatan nila. 

Ang isang halimbawa ay si Maui Taylor na katrayanggulo nina Janno Gibbs at ang maituturing na baguhan pa ring si Rose Van Ginkel sa pelikulang 69+1 kahit hindi naman ito first movie ni Rose. 

Ayon kay Maui, noong digital press conference para sa pelikula, madalas at madaling ma-stress si Rose bago kunan ang kanilang sex orgy scenes,  hindi sila nagkulang ng paalala sa co-star nila ni Janno.

“Palagi ako nagga-guide kay Rose. I always tell her na, ‘If there’s anything that you don’t want to do, you can just say no.’

“Pareho kami ni Kuya Janno ng advice sa kanya.

“It wasn’t, like before, wherein you had no choice. But now, you have a choice. You could always say no.

“I always tell her, ‘You check first how it’s going to be done and if you cannot do it, just say no. It’s a simple as that.’”

Sa istoya ng 69+1, lesbian lovers sina Maui at Rose. Gusto nilang makaranas din ng pakikipag-sex sa lalaki. Kinontrata nila ang character ni Janno na bale boytoy ang role. 

Siyempre pa, ang direktor nito ay ang laging walang-takot na bata pang direktor na si Darryl Yap. 

Ito ang pangalawang beses na nakatrabaho ni Maui si Rose. Una silang nagkasama sa Paglaki Ko, Gusto Kong Maging Pornstar, directed by Darryl Yap din. 

Dating nagbibida si Maui sa sexy movies, pero hindi siya nag-atubiling suportahan si Rose sa 69+1 dahil alam niya ang pakiramdam ng mga baguhang artista.

“Nang sinabi sa akin ni Darryl Yap ‘yung plano niya for Rose, siyempre natuwa ako for her.

“Kasi lahat naman ng mga artista, gustong dumating sa point na ma-launch sila and have their solo career.

“Ako naman, tapos na ako riyan. I’ve been there.

“So, ibigay natin itong moment na ‘to para kay Rose. Let’s let her shine on her own.”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Danny Vibas

Check Also

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …