HARD TALK!
ni Pilar Mateo
NGAYONG pandemya, na lahat eh nasa ilalim ng ECQ, ninanamnam ni Representative at Star For All Seasons Vilma Santos ang pag-stay ng anak na si Luis Manzano at misis na si Jessy Mendiola sa kanilang tahanan.
“Tinuturuan ako ni Luis na mag-vlog kaya ang dami ko pang pag-aaralan. Kaya naman, ninanamnam namin nina Ralph at Christian ang bawat moment na nandito sila sa amin.
“Habang nasa bahay naman, hindi rin naman ako tumitigil sa pag-aaral pa sa mas maraming bagay na may kinalaman sa ginagawa ko ngayon bilang tagapaglingkod. Alam mo naman ang mentor ko (Ralph). Ten years Mayor. Ten years Governor. What’s next? Wala pang final. I take it one day at a time!”
Usually, sa ganitong panahon, naglalaan ng oras ang pamilya para lumabas ng bansa. Pero dahil sa krisis na kalusugan ang nakataya, kuntento ang mag-anak na pagsaluhan ang bawat araw sa paraang mas ninanais ng Maykapal. Ang magsama-sama ang pamilya sa loob ng tahanan. Tiktok man, Zumba o kung ano pang maglaro sa isip ni Luis!