Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Maui Taylor Janno Gibbs Rose Van Ginkel 69+1
Maui Taylor Janno Gibbs Rose Van Ginkel 69+1

Lovescenes kina Maui at Rose walang malisya — Janno  

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

SDarryl Yap pala ang dahilan kung bakit bagamat nagdadalawang-isip si Janno Gibbs na tanggapin ang pelikulang 69+1 ng Viva Films na tinatampukan din nina Maui Taylor at Rose Van Ginkel dahil sa sensitibong tema nito tungkol sa throuple o iyong three-way relationship.  

Sa virtual media conference, sinabi ni Janno na si Direk Darryl ang susi sa pagtanggap niya ng bagong assignment mula Viva Films.

“Direk Darryl Yap is the key. ‘Pag sinabi mong Darryl Yap, siguradong maganda at siguradong patok,” sambit ni Janno na ang pelikula ay ukol sa lesbian couple na sina Maui at Rose Van na malapit nang mag-celebrate ng kanilang 7th anniversary. Kaya napagdesisyonan nilang magpapasok ng lalaki sa kanilang relasyon o ang tinatawag na throuple.

Paglilinaw ni Janno, walang malisya at maganda ang pagkakagawa ng lovescenes niya kina Maui at Rose Van.

“May love scenes kaming tatlo na magkakasama. But the thing is, it’s all presented in a comedic way kaya naman mas nakampante ako. Hindi naman siya ‘yung serious na sexy. It’s a sex comedy which makes it more comfortable for me,” giit ng komedyante.

“Sa shooting naman, shooting those scenes was comfortable enough because the three of us know each other. We’ve worked together before at medyo naging friends na rin kami. They’re very professional, sobrang daling gawin ‘yung scenes because they’re one hundred percent dedicated to the film,” sabi pa ni Janno.

Iginiit pa ni Janno na wala siyang naramdamang kakaiba habang ginagawa ang kanilang sexy scenes dahil sa mga kamerang nakatutok sa kanila.

“Sa totoo lang, kapag nandoon ka na, artista lang ang makaiintindi nito, kapag nandoon ka na sa eksena na sensitive, naka-focus ka kasi maraming camera ang nakatutok sa ‘yo.

“Maraming tao ang nanonood, maraming ilaw. So hindi ka na makakaramdam ng malisya. Ikaw ba makakaramdam ng malisya, ang daming nakatutok?” esplika pa ng singer/actor.

Sinabi naman ni Rose na isa sa favorite part niya sa pelikula ang love scenes nilang tatlo.

Anito, ”Masasabi ko, ito (lovescenes) ‘yung dapat na abangan nila. Buti na lang comedy siya, kasi parang madali ito sa aming lahat.”

“Ito ‘yung pinaka-fun part ng movie, magugulat kayo kapag napanood n’yo ‘yung film,” susog naman ni Maui.

Idinagdag pa nu Janno na napaka-professional nina Maui at Rose.

“Sobrang dali na gawin ‘yung mga scene because they’re 100% dedicated to the film,”anito.

Ayaw namang ipapanood ni Janno ang 69 + 1 sa kanyang pamilya nang matanong ito kung ipapanood ba nila ang pelikula sa kanilang pamilya.

“Although naiintindihan nila, but it’s awkward to actually watch your dad,” anang actor.

Wala namang problema kay Maui kung ipapanood niya sa kanyang mga anak ang pelikula dahil proud naman siya sa lahat ng pelikulang ginawa niya.

“I’ve never felt na there’s no need for them to watch it. I’m always proud of all the movies that I’ve done and I know that doing such films, you know, it’s just a role that I play,” ani Maui.

Mapapanood na sa Sept. 3 ang 69+1 sa Vivamax. Mag-subscribe na sa Vivamax sa web.vivamax.net. Maaari ring idownload ang app at mag-subscribe sa Google Play Store, App Store, at Huawei App Gallery. Manood sa halagang P149 kada buwan o P399 para sa tatlong buwan para sulit na sulit. Mayroon pang hot price na P29 lamang at makaka-unli watch ka na for 3 days.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …