Saturday , January 10 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Kris Aquino Mel Senen Sarmiento
Kris Aquino Mel Senen Sarmiento

‘Karelasyon’ ni Kris inilantad na (I deserved someone na handa akong ipaglaban)

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

LUMUTANG na ang ang mystery guy na binati ni Kris Aquino ng happy birthday at inaming special sa kanya ang taong ito dahil noon pa ay nasa tabi na niya ito sa lahat ng oras. Ito’y walang iba kundi si dating Department of Interior and Local Government Secretary Mel Senen Sarmiento.

In fairness to Kris, hindi siya ang nagbuko ng pangalan kundi si Mr. Sarmiento mismo dahil sinagot niya ang troll sa mismong post nito sa IG account.

Hindi nagustuhan ng dating kalihim ng DILG ang komento ng umano’y pareho sila ng ahensiyang pinagtatrabahuan na negatibo kaya niya ito sinagot gamit ang cellphone ng Queen of All Media.

Mensahe ni Ginoong Mel, ”@mynameisaxell hiniram ko ‘yung phone ni Kris – ewan ko kung nakatrabaho kita sa DILG sa laki ng department mahirap maalalala ang lahat.

“‘Wag naman masamain kung nag-greet nga sa ‘kin, ba’t naman napunta na sa malas?

“Eh napasaya nga n’ya ko- kung tutuusin napaka-suwerte ko. Kung nagsama nga tayo sa department na minahal ko, kaunting respeto naman sa min ni Kris. – Mel Senen Sarmiento.”

Si Sarmiento ay dating kalihim sa administrasyon ng namayapang si Pangulong Noynoy Aquino.

Pagkatapos ay sinagot na rin ni Kris ang makukulit na netizens kung sino ang mystery guy sa buhay niya ngayon.

”No need to guess, scroll down, he borrowed my phone to reply to this weird troll.

“Maybe now you’ll understand, that at least now there’s someone with the guts to stand up for me… wala akong pinatatamaan, I’m just stating facts… 

“Because for the longest time that was what my friends & followers kept telling me—that I deserved someone na handa akong ipaglaban.

“Maybe I’m just proof – everything happens in God ‘s perfect time, not ours but His. All He asks is that we continue to have faith while we patiently wait.”

Walang binanggit kung magkarelasyon na sina Sarmiento at Kris pero kung ibabase sa mga pahayag ng huli na finally nakahanap siya ng taong kaya siyang ipagtanggol at ipaglaban ay 100% kaming sure na sila na nga.

Wow, finally nagawa ni Kris na itago ang identity ng lalaking nagpapasaya sa kanya ngayon at nataymingan lang na kaarawan nito noong Agosto 11 kaya nabunyag na.

Sa ilang beses naming nakapanayam ang mama nina Josh at Bimb, ni minsan ay hindi namin narinig sa kanya ang pangalan ni Sarmiento. 

Bukod sa mga anak ni Kris na boto kay Sarmiento, boto rin sa kanya ang mga personal nitong kaibigan at isa na nga si Atty. Gideon Pena na nagsabing, ”happy ako pag happy ka.”

Ang kilalang stylist ni Kris na si RB Chanco ay gusto rin ang inspirasyon ni Kris.

“I like him. He has my approval too,” sabi ni RB.

“That’s what matters, the people who truly love me have all met him and you all feel may calming influence siya. And he said you really are a genius, grabe raw ‘yung talent mo,” sagot naman ni Kris.

Say naman ni RB, ”Calming refreshing good and 100% positive vibes s’ya.”

Samantala, pinasalamatan lahat ni Kris ang mga bumati at sumuporta sa bago niyang inspirasyon at care bears siya sa mga nagne-nega sa kanila.

Kailan kaya namin makakatsikahan si G. Mel?

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Lala Sotto MTRCB

Sa pamumuno ni Chair Lala Sotto, MTRCB nakapagribyu ng 172,000 na materyal noong 2025; isinumiteng mga pelikula umangat sa 13.34%

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAKAPAG-REVIEW ang Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB), …

Beauty Gonzalez

Beauty certified yoga instructor na

I-FLEXni Jun Nardo MATAPANG, bumiyahe mag-isa si Beauty Gonzales, huh! Ginawa niya ‘yan nang pumunta siya …

Robi Domingo John Lloyd Cruz

John Lloyd at Robi muntik daw magsuntukan sa kasal nina Zanjoe at Ria

MA at PAni Rommel Placente HOW true na muntik na raw magsuntukan sina Robi Domingo at John Lloyd …

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …